Complementary Feeding or Tamang pagpapakain

According to World Health Organization (WHO) 6months and above pa po ang pagpapakain sa mga babies natin. If below 6months pa, wag po muna kahit may go signal na ng Pedia. Ang ibang pedia ay hindi updated, at mas lalong wag makikinig sa sabi-sabi na pakainin ng ganto o ganyan. If preemie baby, bilangin nyo lang po kung kelan talaga sila mag 6months. If baby can sit in 1mins, may readiness na sa pagkain, go na. Pero kung di pa po makaupo, wag muna pakainin. Bakit? Chances are pwede po silang machoke or mabilaukan. Mashed only! Mashed po and not puree. Mashed para matuto po silang kumain with teeth or without. Never pureed! Hindi po sila matututong kumain dahil lunok lang sila ng lunok. Cerelac, Gerber, Marie are JUNKFOODS! Mas okay pong magbigay tayo ng Gulay. Gulay po muna bago ang prutas, dahil once nakatikim ang baby ng matamis hahanap hanapin na niya ang lasa non, in short kahit anong ibigay nyong food ay tatanggihan niya. 1st food? Ideally AVOCADO po ang good start, kasi good for the brain. Pero if walang Avocado, you can give Squash. Lahat ng nasa bahay kubo maliban sa mani ay pwede! Allergens. Halimbawa ng allergens ay Itlog, Soya at marami pang iba. Mag ingat when you're planning to give this and watch for any allegic reaction. 6months and above lang ang pwedeng uminom ng tubig. 2oz a day po. Babies below 6months ay hindi pa pwedeng uminom ng tubig. Bakit? Water intoxication. NO SUGAR, SALT AND HONEY BELOW 1yr OLD. Happy feeding~

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thanks for info. Balak ko na kasing pakainin si baby sa 4 mos. Niya kasi yun ang turo ni mama buti nabasa ko to.