Loslos

According to my boyfriend may loslos daw siya, imposible daw na magkaanak siya. Totoo po ba na kapag may loslos mahihirapan magkaanak or hindi na talaga magkakaanak?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang luslos ay kondis­yon kung saan hindi sara­dung-sarado ang harang sa loob ng tiyan at sa iba­bang bahagi ng katawan kasama ang bayag at singit o inguinal area. Dahil hindi saradung-sarado ang harang na ito, kung may malakas na puwersa tulad ng pag-ubo, pag-iri, pag­bubuhat ng mabibigat na bagay, paglaki ng tiyan at iba pa ay maaaring lumuslos ang bahagi ng bituka papunta sa bayag o sa bandang singit na maaaring magsanhi ng pagbukol sa bahaging ito, paglaki ng bayag at pananakit.   Kadalasan, ang luslos ay puwedeng mawala ng kusa, ngunit, maaari itong pasumpung-sumpong. Kung masakal ang bahagi ng bituka na lumuslos ay kailangan itong maagapan kaagad dahil sobrang sakit ang ganitong sitwasyon para sa taong may luslos.   Ang solusyon sa luslos o hernia ay operasyon kung saan kailangang agad maisara ang haligi ng tiyan upang makasigurong wala nang butas rito na puwe­deng pagluslusan ng bituka.   Kung sobra itong su­ma­­sa­kit o nakararamdam ng hindi pangkaraniwang kirot mula rito, pinapayu­han kayong magpatingin sa doktor. Ngunit, kung hindi ito masyadong masakit at sinusumpong lamang ito, ang epektibong gawin ay mahiga at maaari rin ninyong iangat ng kaunti ang bahagi ng inyong katawan na may luslos. I-relax ito, iwasang umiri at umubo kung saan kusa na rin itong mawawala. Para sa iba na sanay na rito, nagagawa nilang hilutin ito upang bumalik sa tiyan mula sa bayag kung saan maaari rin itong gawin ng doktor. Para sa kirot, maaari kayong magpare­seta sa doktor ng pain reliever tulad ng paracetamol o ibuprofen.   Posible rin na magka­roon nito ang mga babae, kung sakali, ito ay sa bandang singit uumbok o kaya sa gilid ng puwerta. Bagama’t, posible ito sa kababaihan, mas malaki ang tsansa na nangyayari ito sa kalalakihan. Gayunman, posible pa rin na maka­bun­tis ang lalaking may luslos, kaya hindi dapat mag-alala dahil hindi nito apektado ang kanilang kakayahang makabuntis. https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/09/06/Kung-posible-pa-ring-magkaanak-kahit-may-luslos

Magbasa pa

naoopera yun mamsh, ung asawa ko gnun pero ok n ngayon. Nagkaanak nman kami