Ayaw kumain ni baby
9 months na po baby ko pero ayaw nya po kumain cerelac, gerber ayaw nya parin subuin nahihirapan po ako magpakain sakanya may tips po ba kayo? Patulong naman po. Itatry ko pa po sakanya yung avocado smash kung kakainin nya ba π
ganyan din si lo 8m na sya. hirap ako pakainin sya. nung una willing sya itry pero kalaunan ayaw na nya. napansin ko ayaw nya ng mash. parang nandidiri sya at niluluwa nya lang. gusto nya yung may nakakagat o nangunguya sya. try lng ng try momsh. alam ko frustrating pero tyaga lng tayo.
Stop mo muna for a while. khit mga 2 days, then offer new food na may texture and not puree. baka kasi mas gusto ni baby na may nakakagat sya kesa lunok lang ng lunok po. take note rin momsh ung time ng pagkain nya baka sleepy si baby or busog pa
Try mo po mga mashed veggies like sayote, kalabasa, potatoes, carrots. Isa isa lang po muna wag nyo imix.