No appetite

8weeks pregnant po ako. Nung una wala akong nararamdaman na paglilihi. Hindi nagsusuka, nahihilo o nagccrave ng pagkain. Pero ngayon 8 weeks na ako, parang bigla nawala gana ko sa pagkain. Kahit ano ulam hindi masarap. Pati kanin, pilit ko na lang kinakain. Nood na ako ng nood ng mga food vlog, baka may magustuhan ako na ulam kaso wala talaga. May same po ba? Ano po marecommend nyo sa ganito? Ano kinakain nyo mga mommies? Share nyo naman baka matakam ako 🥹 Nahihirapan na din si hubby, di nya malaman ano lulutuin o bibilhin nya. Sa ngayon, tsinatsaga ko yung biscuit na Marie huhuhu

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dont worry po, mommy. di ka nag iisa. ganyan din po ako ngayon. 8weeks preggy din po ako. and di ko alam kung ano ba talaga gusto ko kainin. may time pa nga nanginginig na ako kac nagugutom na ako kaso di ko nman gusto ang ulam, pero di ko din nman alam kung ano ang gusto ko kainin. ang hiraaappp. pero laban lang po tayo, mommy. sabi nila lilipas din nman po ang stage na to.

Magbasa pa