8 months na po ako preggy. alam na sa side ng bf ko pero sa side ko hindi pa. tinatanong naman ako ng parents ko pag nauuwi sila sa bahay. hindi ko lang po alam paano sasabihin kasi nagpaparinig si papa ko na magpapalayas daw sya pag may nabuntis samin ng hindi pa nakakapagtapos, seems like nakakahalata na siya, nachichismis na rin po ako samin. any help pano ko ioopen up to sa fam ko? :(

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

at first magagalit po talaga sila pero kalaunan matatanggap din nila kasi apo nila yan ehh. ipaalam mo na.

6y ago

yes siz, by this week. thank you sa advice.

Mas better kung aminin mo na. yung mismong ikaw at bf mo mag sasabi. Kesa sa ibang tao pa nila malaman.

6y ago

thank u po sa advice

VIP Member

Mas Maganda siguro kung Byenan mo mag sasabe sa Family mo . baka mas Maunawaan ng Family mo .

6y ago

sana nga po sakto mommy hehe. yun lang talaga ngayon yung pinaka pinagpra pray ko yung maging ok yung delivery ko kay baby at healthy lumabas si baby.

VIP Member

Heart to heart talk. Lalambot puso nila sa anak mo for sure.

Ganyan naman talaga mga magulang sa una magagalit

8 months? bat d kpa po pinalayas is this a joke

6y ago

haha believe me or not this is not a joke siz. maliit lang kasi ako magbuntis pero tama lang ang size ni baby based sa ultrasound 😉