Paano niyo sinabi sa parents niyo & sa parents ng partner niyo na buntis ka? Any suggestions.

Ask ko lang mga soon to be mommies & sa mga mommies na rin. I'm 23 yrs old, hindi naman na ako minor pero nags-struggle ako kung pano sasabihin sa side ko & sa side ng partner ko na buntis ako for 3 months na. Noong 2 months ko lang nalaman na buntis ako, so ngayon 'di ko alam paano sasabihin sa fam ko dahil 'di kami ganon ka-okay ng daddy ko. And yung situation naman namin sa side ng partner ko is complicated, may anak na kasi siya sa unang ex-gf niya (4 yrs ng deceased si ex.) and di ako okay sa family niya dahil sa incident sa ex-gf niya kahit wala naman akong kasalanan sa nangyari sa ex-gf. so, dahil ron ayaw nila ako pinalalapit sa anak ni guy sa una & 'di ko madalas makausap yung bata dahil patago lang isinasama lang ng partner ko minsan sa gala namin para maka bonding ko. Now, may bagong baby, hindi ko alam kung paano sasabihin. Kasi, magulo ang fam namin both sides :( please, i need an advice huhu. thank you in advance!

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganito din ako nuon. 20y/o ako Nung nabuntis ako. 5yrs na kaming mag jowa Ng Asawa ko nuon. and HINDI KAMI LEGAL. dahil ayaw nila sa Asawa ko that time. (magkalapit Bahay lang kami) so alam nila Ang story Ng Buhay Niya. Yung depression ko that time sobra. umabot sa puntong gusto ko malaglag baby ko. 😢😥 Ang unang nakapansin na buntis ako is Yung tita ko. pero di nya ko pinangunahan na sabihin sa parents ko. pinapatatag nya loob ko. Hanggang sa tinulungan nila ko sabihin sa magulang ko. thankful ako sa tita ko that time. nahirapan Silang tanggapin Yung sitwasyon ko pero pag labas Ng baby ko. nawala lahat Ng sakit Ng loob nila. 😊 SKL KAYA MO YAN SIS. BETTER MAG TYEMPO KA NG TIME NA SABIHIN SAKANILA. MABIBIGLA SILA YES, PERO UNTI UNTI RIN NILA MATATANGGAP. 😊

Magbasa pa

ako kasi sa 1st baby ko 5months bago ko napaamin ng nanay ko eh. Kasagsagan kasi ng lockdown yun kaya lahat asa bahay lang and napapansin na ni mama ko na di ako gumagamit ng napkin and nalaki na tyan ko kaya one time na corner na nya ko tas tinanung bakit lumalaki tyan ko kaya ayun dun ako umamin. 21yrs old ako nun working naman na ko pero sobra sobra pa din yun paghingi ko ng sorry nun sa parents ko although di naman sya nagalit sa pagbubuntis ko nagalit lang sya kasi ang tagal ko tinago edi sana daw naadvice-an nya ko. take note ; ayaw ng pudrabels ko sa jowa ko nun hehe.

Magbasa pa

Sa side ko,una kong sinabi kay Mama. Teary eyed pa ko kase sobrang nakokonsensya ako,kita ko din sa muka ni Mama na nalungkot sya.Panganay kase ako. Di muna namin sinabi kay Papa,kase sabi ni Mama sya na daw bahala. Nung nalaman ni Papa,medyo nagalit sya. Di dahil buntis ako kundi dahil di daw sinabi agad sa knya. Pero hanggang ngayon,nakokonsensya padin ako kase yung expectations nila dko na-meet. Btw,25yrs old na ko. Dun nman sa side ng Partner ko,sya na nagsabi sa GC nila. Wala nman naging problema since lahat sila graduate na at may mga kanya kanyang trabaho na.

Magbasa pa

pero alam na ng partner mo? pag alam naman na niya i think he can help you tell his family since usually naman talaga yung lalaki dapat nagsasabi. ewan ko lang sakin kasi ganon pagkasabi ko sa partner ko kusa na siya nagsabi sa family niya and nagkusa na din siya magsabi sa father ko ( wala akong mama ) btw 25 na ako and first baby din namin haha try to talk about it with your partner muna since kayong dalawa naman yan and tsaka kayo magdecide kung paano niyo sasabihin sa each sides.

Magbasa pa
2y ago

Same tayo sis siya na mismo nag sabi sa lahat ng family niya