13 Replies

Ako nga mula ng sinabi ng ob na walang kahit ano nung ni transv ako di pa ulit ako nag pa transv(5weeks)bumalik daw ako di ako bumalik na stress ako eh Oo at maganda na momonitor ang pag bubuntis ng mas maaga pero ako sa 3months na ako babalik para mag pa ultrasound or 5months na.. Ang sabi ko sa sarili ko tsaka ng asawa ko din buntis ako kasi ang pananakit ng sikmura at pagduduwal ko andito tsaka breast tenderness ko. Sa September 24 sa center nalang ako mag papa check up. Yung dalawa ko sa center din naman siguro ganon talaga pag too early pa. 🙂Bigyan mo pa ng time si baby at mag pray ka. Nakadepende siguro yan don sa last menstruation mo late lang siguro maglabas ng itlog.

Same tayo mommy. Nung nagpa tvs ako 6 weeks and 4 days na dapat via lmp pero sa tvs ko 4 weeks and 2 days lang. wala din nakita na kahit na ano kundi gestational sac lang. So ang advise ay bumalik after 3-4 weeks. Ilang weeks po ang pregnancy nyo based sa ultrasound? kapit lang mommy 🙂 mas marami naman ako nababasa na nagtuloy ang pregnancy. At 7-8 weeks nagka embryo at heartbeat na. Basta susunod din sa payo ng ob dahil sila ang higit na nakakaalam. At syempre iwas sa stress. Tho nakakainip din maghintay hehe. Kaya mo yan mommy 🙂

sakin trans v aq 6 weeks daw may nakita nmn kso maliit pa sya mukang nag sisimula palng daw heartbeat nya mababa pa 110 plng,, folic, vitamins dha, duphaston binigay ni ob then balik daw aq after 1 week transv ulet dna muna aq bumalik kc natakot aq s transv😅 ilang araw kc kumirot puson ko nung na transv aq,, continue ko lang mga meds at vitamins balik nlng aq pag pwede na makita through pelvic ultrasound,, no pain, no spotting nmn aq and continue pag lilihe in on may 8weeks now

hello mga mi ask ko lang din po same case kay mami nag ask , base on my lmp 8weeks na dapat ako nag pa trans v ako kahapon lumabas 6weeks and 5days pero walang nakita na baby bahay bata lang po kinakabahan na po ako normal lang po ba yun at may chance ba na may mabuo na baby? cinonfirm naman ni ob na preggy ako and 8 na pt ko positive lahat kaya lang sa trans v wala nakita bahay bata lang ang meron kinakabahan na po ako sabi ng ob balik after 1week 🥺

I see. Let’s wait for a week. Sayo may nakitang bahay bata, as in pag tvs ko kasi wala talagang nakita bukod sa thickened endometrium. Let’s pray for the best 🙏🏽

hi mamsh, last 2weeks ago 6weeks ako nag tvs ako ang nakita lang ng ob ko is sac so nag advace sya balik ako after 2weeks kasi mostly naman daw talaga di pa nakikita by 6weeks. nagreseta din sya sakin ng dupasthon at folic, so kahapon bumalik ako 8weeks and 3days si baby ayon nakita na sya maligalig hehe. Pray lang Mi, wag ka masyado mag isip para di ka mastress. Be careful lang always and sundin mo si ob😊

Hello po just wanna share. Last July 31, nagpa trans v ako. Wala po nakitang embryo or sac. Thickened edometrium lining lang po. Though positive npo sa PT, advised is bumalik after 2-3 weeks. Fortunately by god's grace last august 17 bumalik po ako, 6 weeks and 6 days napo si baby and may heartbeat na. LMP ko po is June 28, inom lang po folic acid to help madevelop si baby!! ❤️🙏🏻

Update po: I had my ultrasound today, 7.1 weeks na po si baby and may heartbeat na 🥹 Di pa po sana kami mag papaultrasound kaso nagkabrown discharge po ako. Thank you po for your replies. Sobrang nakakarelieve po ng stress itong community na ito. God bless po sa ating lahat! 🙌🏽

Hi mommy. Better check with your OB. Never daw po naging normal ang brown discharge. On duphaston ako for 10 days, 3x a day and 2 weeks bed rest.

sakin mii 5weeks &3days yolk sacs palang po early pa kaya need bumalik after 2weeks pero niresetahan napo ako ng meds folic Acid/VitaminB & Dydrogesterone para pang pakapit po

share lang po,ako po nagpa transv dahil gusto ko malaman kung anong exact weeks na ako, after po ng transv 7weeks & 6days na pala ako,nakita na c baby at ok nmn ang Hb...

same situation. 6 weeks exactly and I was asked to go back on September 9, gestational sac lang po and yolk sac. Hopefully makita na si baby with heartbeat po

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles