47 Replies
Wag nio po papahilot baka masuwi papo yan di po inaadvice ng mga dr. Yan baka mapano pa si baby nio ako sis 25weeks bago sya mahalata na preggy ako 26weeks napo kami ni baby nextweek 7mons na lalaki at lalaki naman po yan sis kusa Wait nio lang mahirap pag malaki na sya gaya netong saakin Nahihirapan nako humanap ng pwesto ng higa at hindi ako makahinga pag mababa yung Unan inaangat pako ng asawa ko para makabangon para umihi. Lalake naman ng Kusa yan sis wait nio lang.
Sa akin 6 months din. Madami nagsasabi na parang di daw ako buntis at kinocompare ako sa mga kakilala nilang nagbuntis o buntis. Masakit lang sa part ng pagiging mommy na di pa lumalabas si baby tapos kung ano ano na ang maririnig mo like pabaya akong mommy. 😢 umiiyak pa ako minsan at na se stress kakaisip kung saan ba ako nagkulang pero normal naman daw si baby sabi ng OB ko tsak lagi naman ako umiinom ng Anmum at vitamins..
Ako kahit di pa buntis noon, di ko nagawa ipahilot, unang una sabi nila masakit tapos nakakatakot baka ano mangyare sa matres ko, mas nakakatakot ngayon na may laman na hehe .. Ok lang yan mamsh importante healthy sya, di naman nasusukat sa laki ng tyan ang laki ng baby eh .. May mga buntis ako na nakilala na maliit ang tyan nung nag utz malaki pa ang baby para sa gestational age nila hehe .. ❤❤
Iba iba po tlga mommy ang laki ng bump, nakakaapekto kasi ang posisyon ni baby, dami ng panubigan at syempre, taba natin... Ang mahalaga po active si baby, at akma ang laki nya base sa ultrasound. Iwasan po nating ipahilot. Maaari pong makasama kay baby at magdulot ng preterm labor o maagang panganganak. Kumain ng tama at uminom ng vitamins para healthy kayo pareho.
di nmn kase pare pareho... ako nung sa pnganay bandang 8 months... malaki pa tyan ko ngayun 24 weeks plang ako... basta malikot si baby ok lang yan. ngayun sobrang nalalakihan ako sa tyan ko at hirap na kong kumilos at matulog... dagdag pa ung likot ng baby sa bigat ng tyan ko... so mas ok lang yang mejo magaan kahit papanu... paglabas muna palakihin... 😊
Nung ako nagbuntis momsh gusto ko magpahilot kasi nga advice ni mama sila dati laki sa hilot kaso sabi ng OB ko kapag daw hinihilot may chance na mag bleeding kasi nagagalaw ang inunan baka mabutas or magka cord coil nagagalaw nga kasi si baby or kong anu-anu pang nagagalaw don sa tyan di daw po advisable ang hilot momsh kaya natakot ako di ako nag pahilot.
ako po nong buntis ako . yung baby parang mahuhulog pinag iingat sa akin ng OB ko. so ginawa ko pinahilot 3month, 5months at 7 months. kaya malaki ang tyan ko. at dipindi sa paniniwala mo. . sa amin dito nasa papamahiin pa po. lalo napo ang mother ko normal naman ang baby ko at normal delivery
You don't have a big belly para Lang masabing oky sa panlabas mas better padin pi na kahit maliit healthy si baby SA loob 🙂 Yun po. 17 weeks preggy me but para Lang po akong busog but my ob says it's okay my baby is healthy and super likot
Iba iba po mag buntis ang bawat babae. Nung ako ang liit lng dn ng tiyan ko pero sa mga ultrasound ko ay tama nman ung size ni baby. At basta sinabi ni OB na nasa tama size and weight ay dun ka po mag base.
Wala naman po sa laki o sa liit un. Ssbhin naman un ng ob kasi sinusukat nya un kung sakto lang ba. Ang importante po ung kung sakto ung sukat ng tyan mo at normal c baby. Un ang importante.
An Ña