breech baby

6months preggy here and naka breech position ang baby ko, super delikado po ba? Everyday ako kinakabahan for my baby girl :(

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baby ko nag 8 months sya still breech kaya on sched ako ng cs pero nung tumungtong sya ng 36 weeks onwards naging cephalic na sya. Umiikot pa yan mamshie. Worried din ako before kasi ayoko ma CS kasi hirap maCS. To be honest, sabi ng OB ko kausapin ko daw baby ko or put some sounds sa ibaba para sundan ni baby, di ko naman ginawa yun sa totoo lang pero umikot mag isa baby ko. And now, his already 1 montha nd 3days now. Via NORMAL DELIVERY.

Magbasa pa

Sis kahit until manganak ka na, breech pa din sya, hindi delikado yun. Suhi po ang breech. Kung umabot sa due date na breech pa rin, CS most likely ang gagawin sayo pero again, hindi yun "delikado." Position lang po ng baby yun, hindi condition :)

mag iikot pa sya mam till 32 weeks .. pro para sure po everynight bago ka matulog oag nakapatay na yung ilaw lagyan mo po ng pinlight yung tummy mo. from uppee going sa puson mo po . susundan yan ni baby ang ilaw ng pinlight.. tested and proven po

Iikot pa sya until 32weeks. Pray ka lang po. Hindi naman po delikado na breech ang position ni baby pero hindi mo sya pwedeng inormal delivery. Praying for you and your little one. Kausapin mo sya lagi momsh na need nya magcephalic hehe.

Skn din Suhi ngayon going 8mnths aq pero Ramdam q p din n Suhi xa lagi kc banda s sikmura q panay galaw n xa ngayon next week need ulit ng ultrasound pra mkita kung Umiikot b o Suhi p din ...sna umikot n ung baby q

5y ago

..talaga po ba? Aq dn po Kasi eh breech dn baby boy q nung 25 weeks pa lng xia..now nasa 34 weeks na xia ..ngpahilot nmn na aq sabi sakin ok na daw posisyon ni bb kaso worried pa rn aq..ramdam q nmn na nasa taas galaw nia and ung sinasabi mo na matigas ..ng worry ulit aq Kasi baka un ang ulo nia..pwet pala 😊

Hndi naman delikado kng may change pa na iikot if not naman po cesarian ka like me. 6months baby ko wen we fnd out na breech position siya up to now na kavuwanan ko na so no choice ako kundi i cs.

Tiwala sis iikot pa si baby niyan kausapin mo lng then music sa baba banda wag mo itapat cp headset or speaker kahit mahina lng siya kasi sususndan na yung music na mozart.

ako po mga 35 weeks na umikot baby ko.. maaga pa po yan.. iikot pa po yan.. lagi nyo po kausapin si baby makikinig po sya ganun po ginawa ko sa lo ko..

Sakin po nung 6months ako nilagnat kasi ako dahil sa uti ko ayun nagbreech sya ngayun awa ng diyos mag 8 months na umikot na sya nakapwesto na sya

VIP Member

Every morning mommy tuwad ka yung naka sayad breast mo sa bed ganon po pinagawa sakin ng kapatid ko na midwife non and effective naman po hehe :)