6 months na akong buntis at wala akong tinitake na vitamins anu kayang mangyayari sa baby ko..

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa panahon po natin ngayon dapat mas maalam na po tayo pag dating sa ganitong bagay. Hindi na po pwede i reason out na yung mga nanay nga natin dati walang check up, vitamins eh malulusog naman tayo, Momi iba na po panahon and way of living natin. Madami ng preservatives, junk foods ang kasama sa pagkain natin kaya dapat po bigyan natin ng sapat na nutrition si baby habang nasa tiyan pa lang natin..Pwede ka po mag research sa internet ng mga pwedeng mangyari kay baby if di ka mag take ng vitamins or even visit sa OB or brgy health center if wala pong budget.

Magbasa pa
2y ago

Well said po mii

Pray po kayo , na ok po ang baby nyo na walang komplikasyon din sa pagkain nyo po more fiber po gulay ,prutas tapos mag iingat ka po sa araw araw para ma preserve nyo po si baby at kayo rin,kong may budget po kayo take ka po ng calciumade para sa buto ni baby pampatibay kong wala kayong iniinom na gatas po,wag ka ma stress basta hapi po bawal ang sad be positive po palagi wag mong inintertain yung mga nega thoughts dahil di makakatulong po sayo.GOD is in control GODbless u & ur baby .

Magbasa pa

Libre check up at vitamins sa center mommy. sa public hospital libre din check up. Pag walang pera gawa gawa din ng paraan mommy, anak mo magsusuffer . diko alam kung tinatago mo ba pagbubuntis mo kaya dika nagvivitamins o struggle lang kayo sa pera pero dapat alagaan mo yan. pinatagal mo pa 6 months tas ngayon dito ka magtatanong ano mangyayari sa baby mo. pacheck up ka, kase pwedeng pati ikaw mapahamak sa ginagawa mo di lang yan baby mo.

Magbasa pa
VIP Member

Minsan po pag nanganak ang buntis ng may health and mental problems sinasabi ng pedia or doctor is insufficient sa prenatal vitamins nung pinagbubuntis,ayaw nyo nmn po sigurong mangyari yun sa baby nyo better late than sorry,if responsible mom po kayo pupunta kayo center para sa monthly checkup and may libreng vitamins nman po don wala nmn pong bayad,oras nyo lang po ang kaylangan..Do it for baby mii😊

Magbasa pa

ako noon 1st baby ko hindi ako nagtake ng kahit anong vit. kasi hate n hate ko magtake ng mga gamot ... pero hindi pala maganda yung ganun kasi kahit buo n ang baby sa tyan ..hindi naman sya healthy kaya pinanganak ko baby ko n wala ng buhay .. kasi mahina sya .kulang tlga sa vitamins ...

Momi mag schedule po kayo check up sa health center sa bgry. Isipin nyo po ang baby hndi po sarili nyo. Kung hndi man po kumain po kayo ng nutritious food. Priority po ang health and safety ni baby. Wag naman po sana mcompromise for whatever personal reason.

Sa tingin mo? Ikaw ang sumagot sa tanong mo. May center naman magtyaga ka lang pumila. Ang tyaga nyo ngang gumawa ng bata. Kahit saang baranggay may health center. Choice mo na yan.

2y ago

kawawa anak mo.

hanap ka center dyan sa inyo mommy may libreng vitamins po yun bawat baranggay may center po. and make sure na nagmimilk ka po and kumakain ng prutas kung hindi ka umiinom ng vitamins para kahit papano may makuha syang proteis.

TapFluencer

possible po magkaron ng mga vitamins deficiency ang baby or maging kulang sa timbang. Sana po nag pa check up kayo sa Center dyan sa barangay nyo free lang naman po mga vitamins dun

bkt naman sis wala ka prenatal vitamins? pagpray mo na sana healthy si baby. I hope nakain ka ng healthy foods pra kht paano may nutrients si baby nakukuha sayo.