My Labor Story (10-16-2020) 🤗💕

6am kagigising ko umihi ako parang may narinig ako na parang may napunit sa ari ko then pinagsawalang bahala ko lang. 8am-9am naglalaba kami ng asawa ko may nararamdaman na akong sumasakit sakit sa tiyan ko pero di ko pinansin at wala pa namang lumalabas sakin e. Nagpahinga ako saglit tapos gulat ako bat may tubig ng lumalabas sakin paunti-unti palang nagtaka ako at medyo malapot to sinabi ko agad sa pinsan ko sabi niya baka panubigan ko na daw yon kaya naligo na ako agad at pumunta sa clinic ng OB ko para magpa I.E Mga 10am naghihintay ako sa clinic habang may lumalabas labas ng tubig sakin pero paunti-unti pa din. Nung na I.E ako 2cm na daw ako kaya diretso Emergency na kami. Habang iniinterview ako bago pumasok sa hospital sobrang dami na tuloy tuloy na ang daloy. Pina I.E nanaman ako 4cm na daw. Mga 11am inadmit na ako tapos may mga tinanong pinapirma sakin kase baka daw mag dry labor ako need ko ng private doctor pag maCS ako kaya yung OB ko nalang pinili ko sakto may operation din siya ng 1pm don. 12:25pm dumating na OB ko, I.E nanaman 5cm na then may tinurok sa dextrose ko kase normal padin pakiramdam ko wala pading humihilab at sumasakit sakin nagtataka sila.😁 1:30pm may tinurok nanaman sa dextrose ko tapos mga ilang minuto may nararamdaman na ako siguro 10-15 minutes interval humihilab hilab na huhu🥺 Mga 2pm sobrang sakit na paiksi na ng paiksi yung interval ng paghilab. 3pm naiiyak na ako sa sakit di ko na alam gagawin ko sumisigaw sigaw na ako sa labor room total iisa ko lang namang andon. 3:20pm nagpunta OB ko nag I.E nanaman 8cm na ako kaya pinunta na ako sa Delivery Room. Antagal kong umire ng umire huhu sobrang sakit na namamalipit na ako sa sakit Mga 4pm saka lang nag 9cm tapos sakto 5pm fully cm na ako nagstart na yung magpapaanak sakin iisa lang niya nung nagstart na akong umire ng madiin naipit yung ulo ng baby ko at walang nagpupush sa tiyan ko buti nalang may dumating na assistant dun na ako nadaliang nanganak at may tumulong sa nagpapaanak sakin nakatatlong ire lang ako. 5:03 meron na si baby JOZZIAH ZACHARY 🤗 medyo nag alangan pa at 2minutes di umiyak si baby🥺 Nung narinig ko na ang iyak niya habang nakapatong sa tiyan ko sobrang WORTH IT! Nawala lahat ng sakit, pagod at hirap na dinanas ko💯💕 THANKS G! nailabas ko siya ng safe 😇🙏 NORMAL DELIVERY, 4KLS. 🥰#firstbaby #1stimemom #bantusharing #theasianparentph

My Labor Story (10-16-2020) 🤗💕