Naipit

6 weeks and 4 days na po yung tiyan ko and kahapon po kase magsisintas ako ng sapatos habang nakaupo and naipit ko po yung tiyan ko pagkatapos po non ay sumasakit na sya ng konti hanggang ngayon. Yung sakit naman po is hindi sobra parang medyo may strange lang akong nararamdaman. Ok lang po ba yung baby ko? Nagwoworry na po kase ako. Thank you po sa sasagot.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang po yan. Almost 8 wks na ako when I found out I was pregnant. Nag-Muay Thai pa ako 3 days before I took the PT kasi wala talaga akong kaalam-alam na preggy na ako. 😁 Pero for peace of mind po, you can have your Transv para sure ka po.