6 months na tummy ko baket maliit pa din
6 months pregnant pero maliit pa din Yung tummy
Normal lang po yan mami ganyan din me sa first baby ko maliit lang din pero nung nanganak nako okay naman sya sabi nila pag maliit daw ang tummy girl daw kaya sakin maliit nun kaya now ang baby ko is girl kaya wag ka po mag worry mami basta ang mahalaga okay ang baby mo and take every day ng vitamins. ito yung tummy ko nung 9months na maliit lang din
Magbasa panako mi wag mu pansinin kung maliit oh malaki tyan mu importante ok si baby sa loob , tsaka lalaki tyan mu 7 or 8 na yan ganyan ako nag alala ako ngaun pa 8 mons na tyan ko halos nahihirapam nako, ngaun gawin mu mi enjoying mu lng, pag bubuntis mu😊
sakin din maliit lang ako magbuntis pang 3rd baby ko na pero maliit pa rin. nagugulat na lang talaga sila nanganak na ko. yung tipong ang liit mo magbuntis pero pag nilabas mo yung sanggol akala mo nahanginan yung baby lumaki. pag tinimbang 2.6 at 3.1
Don't worry po may maliit talaga mag buntis lalaki din yan, Yung sakin tinanong ako ng lola ko 6 months bat ko daw tinatago nag bbinder daw ba ako bakit daw maliit tapos nung 7 months biglang lobo ng bongga
ganyan din po sakin hehe na stress pa ko sa sabi sabi nila na baka raw maliit baby ko pero nung magpaultrasound ako normal naman weight ni baby🥰 now 36 weeks na ko biglang lobo yung tiyan ko
ok lang yan.. ako nung first baby ko 8 months na ako nagshow.. nung 6 months tinataasan pa ko ng kilay pag napila ako sa priority lane hahaha basta normal ang size ng baby wala yan sa laki o liit ng tiyan
ganyan din sakin sis ako 5 months palang pero parang busog lang ako haha hindi halata kapag natshirt ako medyo payat kasi ako lalaki din yan. basta okay naman sya sa loob mo
wag ka magworry mi kasi lalaki din yan lalo pag nag 7-8months. syaka kung di man malaki baka kasi purong baby nasa loob kaya ganyan po
Same 7 months pero sabi pa rin ng ob maliit hahahahha pero nagpa ultz ako normal na normal weight niyaa. First pregnancy pa kasii
ganyan din sa akin..1st baby ko. maliit ung tummy ko... pasta Ang importante healthy and ok c bb sa loob nang tiyan...
Still Overwhelmed ❤️