Dapa, kailan dumapa ang lo niyo

5 month and 1 week old na si baby pero dipa rin marunong dumapa, diko rin siya nakikitaan ng pag practice na dumapa medyo chubby din si baby, dapat ba akong mag worry?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baby ko @3 months tumatagilid na tapos tutulungan ko siya dumapa. @4 months nakaya niya na dumapa on his own. @5 months expert na siya magkabilaan dumapa at umiikot ikot na rin (sign na magccrawl na). @6 months unti2 na nakakadapa. @7 months tumatayo tayo na at expert na gumapang. @8 months nagpapractice na tumayo mag isa. humahakbang hakbang na rin with alalay. lahat nang yan mi, siya lang nakagawa niyan hindi ko siya pinapractice, tamang alalay lang. madalang ko lang siya ipag tummy time kasi minsan pangit ng timing, maikli lang wake time niya tapos takot akong maglungad. iba2 ang milestones ng mga baby mi. matututunan din yan ni baby mo eventually, it will come out naturally.

Magbasa pa
2d ago

nung mga time na NB stage pa lang siya nagwworry ako itummy time siya kasi nga super baby niya eh. kaya sobrang dalang lang, pero madalas upward ang karga ko sakanya kapag gising siya at kaya niya naman non yung ulo niya. enjoy mo lang yan mi na di pa siya nakakadapa at gapang. ako ngayon, struggle na sa sobrang kalikutan ng baby ko hehehe. hirap na pag diaper changing or suotan ng damit. ayaw niya na kasi na hinihiga siya. kaya ang eksena, nakaupo or nakatayo siya kung palitan

Hi mama! Usually sa 3rd month ng baby nakakadapa na sila. Pero don't worry, iba-iba naman ang development nila. Pero maganda rin na tulungan mo ang iyong little one. Makakatulong ang tummy time para masanay si baby na nakadapa. Maganda rin bigyan siya ng toys na nakakapag encourage ng paggapang o crawling. Check mo dito kung anu-ano ang mga iyon: https://ph.theasianparent.com/best-toys-to-encourage-crawling

Magbasa pa

Since NB si baby, bihira ko siya i-tummy time. kasi ayaw nya at umiiyak agad sya. nung 3months and half sya nagstart na sya tumagilid. nung 4 months sya don sya nag start dumapa. ngayon mag 5 months sya sanay na sya dumapa.

hello po mommy 😊 wag lng po natin madaliin c baby. iba2 din po kasi development ng baby. . darating at darating po ang panahon na c baby na din ang kusang dadapa at magugulat nalng po kayo😊

5 months ndn baby ko ngaun lang din sya natutong dumapa ihiga mo lng sya mi sa hnd sobrang lambot na higaan matuto din Yan tsaka hnd Naman pare parehas Ang nga baby matutoto din Po yang dumapa.

TapFluencer

baby ko 3mos pa lang nakakadapa na. Lagi siyang nakatummy time sakin. pinapagalitan na nga ako Ng pamilya ko Kasi sinasanay ko daw sa ganun pero maganda Ang effect talaga Ng tummy time.

VIP Member

Pinagtatummy time niyo po ba si baby?

2d ago

try him to practice mi, side view din help mo na buhatin nya sarili nya since chubby siya. dapat din po more on tummy time para masanay ang muscles ng tyan nila.