CS to Normal Delivery

My 41 weeker baby Manu 💙 EDD: March 16, 2021 DOB: March 26, 2021 via NSD - Vaginal Birth After CS Wt: 3.585 kg 2015 - CS sa first born due to PROM and stuck sa 1cm cervix after 12hrs 2020 - miscarriage Nung nalaman kong buntis ako mid last year, nagdecide ako na maideliver si baby via NSD. I searched thoroughly about VBAC and mga OB-Gyne VBAC advocates. Nagjoin ako sa VBAC Philippines FB group to learn more. I even followed foreign and local soc med accounts ng doulas, midwives, OB advocate and moms na nakapagVBAC na. Everyday akong nagbabasa ng mga articles and posts nila about VBAC. Nagstart din ako mag preggy workout and yoga nung 2nd trime to help my body be more prepared sa D-Day. Fast forward, 37th week na. Dahil feel ko tagtag naman ako kakakilos akala ko few days na lang hihintayin at mag lalabor na ko pero nareach ko ang 40th week ng walang any sign of labor. Sa check up ko 1cm pa lang at makapal pa ang cervix. Sabi ng OB ko nothing to worry about naman dahil clear pa ang amniotic fluid at ok pa ang HB ni baby. Normal naman lahat ng lab results ko at walang complications. Naka tatlong swab test na din kami ni hubby and yung last ay malapit na ulit magexpire. In bet. 40&41 weeks, sinabihan na ako ng OB ko na iconsider namin ang induction of labor. I decided na at 41st week magpainduce na para na din sa safety namin ni baby. March 24 3pm - nagstart na akong i IV at iinduce. Mild contractions lang ang naffeel ko. After ilang hours 1cmm pa din but nasstretch to 2cm ang cervix at medyo lumambot na. Nakamonitor si dra sa HB ni baby and nakaalalay sa paginduce dahil may previous scar na ako sa uterus from CS. Pinagpahinga ako ni dra. Pinatulog nya muna ako para maka regain ng energy at strength. March 25 - napakabagal ng dilatation ng cervix ko. Kada IE sakin ni dra 1cm lang lagi ang nadadagdag kaya 3x na nya akong minembrane sweep to help my cervix na makapag dilate. Iistop nya ang drug for induction para makapag contract ang uterus ko on its own pero sobrang hina ng contractions ko pag walang gamot. Hindi makakatulong makaprogress sa dilatation ng cervix. Inimerse na ko ng OB ko sa water baka sakaling makatulong sa contractions ko at makapag water birth na din ako which was my dream birth. Unfortunately, di nag work. Kaya bumalik ako sa bed at naghintay pa ng ilang oras in medication pa din. Patindi na ng patindi yung contractions. Sabi ko sa sarili ko eto na ata yung active labor. Pinatulog ulit ako ni Dra dahil exhausted na ko sa magdamag na contractions and ang galing din ni baby dahil never nag drop or rise ang HB nya 😍 good indication na lumalaban si baby at nakikisama kay mommy na mainormal namin ang delivery ❤️ Around 10pm ng March 25, 7-8cm na pala ko. Di na kaya ng inhale exhale kada hilab. Mapapaluha at mapapa grunt na ako sa sobrang sakit. Naranasan ko din mag labor 😅 Finally, 2:30 am ng March 26 pinahiga na ako ni dra sa Delivery room. Tinuruan nya akong umire at kada hilab sabayan ko daw ng ire na parang dumudumi. Di ko lagi nakukuha yung tamang ire kaya bumabalik yung ulo ni baby. Kulang daw sa pwersa. That time, nakikita ko na ang pagod kay dra. Halos 2 days din nya akong binantayan. Di sya umalis sa tabi ko at nakatutok lang sya samin ni baby. Nahihiya ako na di ko makuha yung ire. Inorasan na ako ni dra na at 4:30am di ko pa nailalabas si baby macCS na naman ako. Kaya bahala na umire ako ng sobrang haba na halos lalagutan na ata ako ng hininga hahah todo pwersa na sa lahat. Naririnig ko naman silang lahat na nagccheer sakin. Sa wakas, At 4:29am, narinig ko na iyak ni baby. Sa lahat ng pagod, puyat at sakit na naranasan ko for 2 days with my husband at pati na din ang birth team ko, sobrang napawi lahat nung nayakap ko na si baby. Di ko napigilan mapaiyak, as in hagulgol talaga. Nakaya kong mainormal. Nakayanan ko yung sakit ng labor. Kaya ko pala ❤️ Sa mga kagaya ko na na CS before at gustong makapag normal sa susunod na pregnancy, hindi totoo na kapag na CS ka sa una, CS ka na mga susunod. Basta wala kayong complications ni baby at pasok ka sa criteria, at VBAC advocate talaga ang iyong OB, pwedeng pwede kang makapag normal delivery maniwala ka lang sa kakayanan ng mind at body mo at syempre tiwala din kay OB ❤️ Salamat din sa app na ito at sa mga nanay na nakausap ko sa mga advice at tips nyo allthroughout my pregnancy journey. ❤️ Have a safe delivery sa mga moms na waiting to finally see and hug their babies. 💕 #VBAC Naisama pa ang birth story ko sa YT channel ni Dra. 😍 Nakalibre na din ng documentation at souvenir ng birth ni baby ☺️ https://youtu.be/mUqFuALjews Follow nyo si Dra. Ces Estera sa YT, informative ang content nya.

CS to Normal Delivery
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congratulations Mommy 😍 ang galing mo po at ni Dra. ❤️ Sana sa next pregnancy ko, makapag VBAC din ako. Actually sabi ni Dra. na nag-opera sakin last year. Pag nagbuntis daw ako ulit, pwede ako mag Normal Delivery.😍 Pero siguro after 3yrs. ko pa balak magbuntis ulit 🤣 Nakaka-trauma ang sakit ng pag labor.😂

Magbasa pa

sana ako dn mkaya mag normal delivery. cs ako ng first baby at my schedule na ako cs sa may 18. pero sna makisama c baby na mag irihan nlng kme. hahaha congrats mommy at nkaraos kna. have a safe delivery sa mga team MAY na katulad ko 😊😊😊

congrats po hope maideliver ko din ng normal yung 2nd baby ko..1st baby ko kasi CS ako then sabi ng ob ko pwede daw ako mag normal this time kaya gustong gusto ko maranasan ang normal delivery...praying for your fast recovery po keepsafe always

4y ago

Kayang kaya mo yan sis! wag kang susuko pag sobrang sakit na. ganun talaga. iprepare mo lang ang mind mo para maendure mo yung pain. Maraming salamat!! ❤️

Congrats po, CS po ako noong Sept. 2019 and now preggy na ulit ako 4 months, ang due ko is October 2021 kaya ko po KAYANG maging normal delivery ako or macCS po ulit? Tanong lang po para magka idea lang. TIA

4y ago

Pwede ka na makapag normal sis. Ang pagkakaalam ko 18months na pagitan from the time na naCS ka to the month ng EDD mo sa next pregnancy ang minimum requirement na pwede ka na mag normal.

VIP Member

Ang galing inabot pa ng 41 weeks yung ibang ob inabot ka lang 39-40weeks automatic cs na eh. Im glad ung OB ko gusto talaga ng nsd ako.. Anyway, congrats ma! Ang galing mo. Ang galing din ni Dra.

congratulations mommy!! Gusto ko din yan..mag-VBAC ﹰﹰﹰsa next baby ko.. ﹰﹰCS ﹰdin kasi ako sa first baby ko last ﹰDecember. pashare mommy ng mga pinafollow mong fb pages ng VBAC.

4y ago

Salamat sis 💕 naka follow ako kila Doc Bev at Doc Cecile Ordinario-Francisco. Nag join naman ako sa VBAC Philippines na FB group. dun ko nakilala yung mga OB and yung OB ko mismo si Dra. Ces Estera. nagjoin din ako sa group nya mismo na Teach Every Woman. Kaya mo din makapag normal sa next baby mo sis❤️

congrats mommy 😊😊 first time mom err dipa ko familiar sa ibang words mo . hihi . sana makaraos na rin ako , 40weeks and 3 days . still no sign of labor ..

4y ago

awwwwww 🥰🥰 thank you mamsh ❤️

TapFluencer

wow congrats po..fighter po kyo dlawa ni baby... that is amazing story... believe po aq s determination n normal delivery from cs... god bless po...🥰

4y ago

yan dn prayer q sn normal delivery first time mom.... 7 mos preggy here.... god bless po🥰

Congrats Mommy and baby.naiyak ako sa story nyo. Just want to ask if u dont mind hm is her package for vbac or for repeat cs? thank you😍

4y ago

Maraming salamat sis! 40-45k po pag unmedicated or gentle birth. yung walang pampahilab or epidural or any medicine na maaadminister sa inyo during labor and post delivery and pag 1-2days lang po ang stay sa hospital. 65-70k naman daw po pag CS pero mas magmamahal pa po yan pag nagpositive yung swab test. 150-500k daw po.

Ang galing at strong mo mamsh, ang galing din po ng OB mo 😍! Congrats po, thank you for sharing your birth story ❤️

4y ago

thank you mommy!!! 💕🥰