Ask for help

40 weeks and 5 days hindi pa din lumalabas si baby galing nako ng hospital nung 40 weeks and 2 days ko at 1cm palang daw sabi ng doctor hindi pa ulit ako bumabalik kase savi ng mama ko tsaka nalang daw pag sobrang sakit na e hanggang ngayon puson plang nasakit sakin may lumalabas narin na dugo sakin pero hindi naman sya ganon kadami patulong naman po ano po ba daapt ko gawin#1stimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag may bleeding na manganganak ka na, if not today, tomorrow.. intayin mo na lang humilab. ako naglakad lakad ako nung may bleeding na kahit hindi pa humihilab, para bumaba na si baby. gabi ko pa naramdaman yung labor na dire diretso. Kinabukasan pa ko ng madaling araw nanganak kasi dun pa lang nag fully dilated cervix ko

Magbasa pa

Pag maya't maya na ang sakit ng puson mo yun na yun mamsh, ganyan nangyari sakin nagpatakbo na ko sa lying in kahit 1cm. tas snalpakan ako ng Ob ko primrose hanggang mag 10cm, nakaraos na ko nung June 5! 1:30pm via Normal sa awa ng diyos. πŸ˜‡πŸ€±πŸ»

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4001467)

lakad lakad po kayo mommy ☺️ wag po masyadong ma stress minsan Kasi Hindi sya ganun kasakit Pero mataas na Pala cm. monitor nyo po . Pero dapat po pumunta ng hospital para masure Kung Ilang cm Ka na po .

Same mommy. Una mucus blood discharge lumabas sakin. Then nag exercise squat at lakad lakad lang ako. 1cm lang din ako nun. Tapos after 4hrs nanganak napo ako. 1 hour labor lang. 😊

VIP Member

Maglakad-lakad po kayo mommy, mag-squat, lalabas na po si baby Nyan mommy anytime kaya prepare yourself na, wag Ng magpastress mommy. Good luck po, have a safe delivery!

malapit kana po manganam momsh. ako nuon my lumabas na parang sipon na my konting dugo. hndi sumakit puson ko dumiretso na kami hospi 9cm na ako.

malapit ka na po mommy. lakadlakad lang. kaya mo yan mommy. makakaraos ka rin. basta tiwala lang sa sarili na kaya mo. God bless mommy.

ilakad nyo po yan ng sobrang layo para matagtag at manganak na kayo bukas. ngayon po maglakad na kayo o mamayang hapon para lumabas na

Pa induced labor or cs na po. Mas madamng complications pag na late ang labas ng baby compared sa napaaga