Apply To Work

4 months preggy. It's okey po ba n mag apply pa rin ng work kahit buntis na.. Si papa ko kasi nirecommend ako sa munisipyo. Sakto namang naghahanap sila na sakto sa tinapos ko. Ngayon tinatawagan na ako na magpasa ng resume. Would I go? Nahihiya kasi ako kasi buntis na nga ako. Pero parang gusto ko naman kasi walang pera. What would I do?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit mo naman po ikinahihiyang buntis ka? As much na light lang po ang trabaho at hindi ka naman maselan, pwede ka pa po mag work. Mag leave ka na lang 2 weeks before ka manganak.

TapFluencer

Depende po sa papadukan niyo kase yung ibng company me policy na pag sa medical kasama preg test,iniiwasan kase nila na mg-maternity leave agad empleyado lalo at di p regular.

Kung ok sakanila na tanggapin ka kahit buntis why not sayang pagkakataon ,mukhang di naman paguran work dun dahil nakaupo ka naman,ako nga gusto ko magwork eh

VIP Member

Okay lang naman po magwork kapag buntis. Okay din yun kasi may pagkakaabalahan ka at mapaghandaan mo pa si baby financially. Wag lang po masyado pakapagod.

Kung hindi naman po maselan pagbubuntis niyo at tumatanggap sila ng preggy, try niyo po. Makakapaghanda pa kayo financially para kay baby.

VIP Member

Try lang po momshiee, kahit ako gusto ko magaapply yun inisip ko pag di pa regular hindi agad makakahold ng maternity leave po.

VIP Member

Depende sayo sis kung hindi maselan ang pagbubuntis mo. And kung hindi naman ganun ka toxic and stressful yung work

VIP Member

Okay lang un basta di ka maselan.. You're luck enough na kahit preggy ka eh naghahire sila.. Gudluck 😊

VIP Member

Try mo sis..4mos ka pa nmn. Basta ndi ka maselan and ndi nmn toxic or mahirap Ang work mo..

VIP Member

If hinde ka maselan magbuntis ok lang naman inform mo din ob mo about dyan