Eksena kagabi .

3AM nagising si LO (4months old) . Syempre kailangan ko din gumising kahit antok na antok pa ko . Nilaro laro ko siya ng mahigit isang oras , saka ko hinili para matulog na sana . Mag 30 mins na saka palang pumikit , ang sakit na ng kamay ko dahil ang bigat nia at naantok pa talaga ako 🥱🥱 tapos si hubby ang sarap ng tulog , humihilik pa .. hihiga na sana kami ni baby ng biglang umiyak , napadabog tuloi ako . Nagulat naman si hubby kaya nagising . HAHAHA , antok na din si baby pero di pa nia nakuha talaga ang tulog nia .. kaya nong kinuha ni hubby si LO para siya naman maghile kasi naiinis na talaga ako , nakatulog agad si baby . Tas sasabihin ni hubby "o nakatulog naman agad, anong kinaiinisan mo jan" . Hayyyy ewan ko sayo .. Since birth kasi ni baby ko pag magising ng madaling araw , padedehin ko lang matutulog na ulit . Kagabi lang talaga na pag gising nia . Ang ingay nia na , parang gusto nia din kami gisingin 😅

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan talaga mommy☺️nagiiba sleep routine nila maswerte pag sumasabay ng tuloy sa parent pero most of all gising sa kasarapan ng tulog😂

more powers to you momsh...