hi mga mhie umepekto po ba agad yung evening primrose oil sainyo nung niresetahan kayo?

hi mga mhie umepekto po ba agad yung evening primrose oil sainyo nung niresetahan kayo?
12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

aug4 edd ko aug3 na 1cm palang ako kaya pinag insert na ako ng primrose ni ob 3pcs 3x a day bale 9pcs per day ang advise ni ob nakaka anim palang ako kinabukasan sakto edd ko nagstart na ko mag labor pagpunta ko hospital 6cm na ko. advise ko lang pag nag insert ka ng primrose ipasok mo talaga sa pinakaloob hanggat natutulak mo pa itulak mo pa para talagang mabilis mag open ang cervix mo.

Magbasa pa
VIP Member

inask ko po sa OB ko yan di po ako niresetahan niyan tho sa 1st born ko yan po gamit ko. close cervix po ako noong 38 weeks ko last thurs. Payo lang po niya sakin lakad morning and afternoon then makioag D.O sa asawa ko po.😅 kaso wala po asawa ko kaya lakad lakad nalang po ako and squats

9mo ago

tatala yan momshie 🤗 ganyan ako sa una ko po mabilis lang ako mag dilate po

2 beses lang ako uminom nyan mhiee tumalab kagad sya, sabayan lang mg pineapple juice, stock ako sa 4cm non every 6hrs ako uminom pagka take ko unti unti nang humilab tyan ko, pagkabalik namin ng ospital at nung inie na ako 7cm na kagad ako.

1 week na ako gumamit nyan. pero wala pa rin pagbabago. ngaun pinagpapatuloy ko pa rin 3x a day oral and 3x na 4pcs insert sa loob. sana this saturday meron ng pag babago. kasi 39weeks na ako today. ngaun sinasabayan ko ng pineapple.

8mo ago

hindi naman sakin advice ng doctor/midwife ung pineapple.. nabasa ko lang nakakatulong nga daw ito.. pero ako ngaun mag 40weeks na wala pa rin akong nararamdaman.. hindi pa din ako nagleleave sa office para matagtag ako. pero wala pa rin akong nararamdaman.. sa saturday ung checkup ko sana meron na pagbabago.. 😅

gamit ko yan now mi mag 1week na bukas 38 5/7 na ko malalaman ko bukas if may effect na sya kasi bukas schedule ng balik ko sa ospital,na stock kasi ako 1cm 2weeks e. sana umeffect nang makaraos na 🙏

9mo ago

Nung 37 weeks ako, closed cervix pa ko kaya pina-oral intake lang muna sakin ni OB yung primrose, 3x a day for 1 week. And at the same time, binigyan na kami go signal na pwede na mag-DO ni hubs. Then netong Saturday lang, kaka-38 weeks&1day ko lang, pagka-IE sakin, 2cm na ko. Then ngayon pinapa-insert na yung primrose sa pwerta ko with the help of hubby kasi di ko na abot ang pepperoni 😅feeling ko naman nakatulong sya somehow to open din cervix ko, lalo ngayong iniinsert kasi parang may matulis na pain akong nafifeel sa aking shepay after sya mainsert (though saglitan lang naman ang pain and di rin nagtatagal)

Currently at 38weeks and 2days. using din primavix primrose at naka 3days na ako nagtatake, 3x a day. Bukod sa braxton hicks, wala pang ibang signs. Sana umepekto din sakin yan.

sakin effective naman po, sinabayan ko lang pineapple na fruit and juice for 1wk then from close to 2cm. continuous parin ako till now. 38W

9mo ago

kaka ie lng sakin nung lingo close cervix pa daw aq 38weeks and 4days aq nun wla din discharge na lumabas after ko I ie

yes po 39 weeks and 3 days open cervix at 2cm na malambot na

VIP Member

naka 6 pcs ako nyan then 4 cm admitted na

9mo ago

madami nagsasabi na effective daw po tlga yan sana pati sakin♥️

hind namn po sayang lng pera