38 WEEKS- Advice please.

38 weeks na po si baby and 2nd baby ko na sya, supposedly pang 3rd na Sana nag miscarriage ako Nung 2018. Last Saturday na i.e ako 2 cm na daw. Kinabukasan may lumabas sakin na Parang sipon na may jelly jelly na may dugo. Tigas din ng tigas ang tyan ko pero di pa naman ganun kasakit. I texted my OB and Sabi nya observe observe lang daw ako. Ngayon tigas pa din Ng tigas tyan ko tapos ung nalabas yellowish na parang sipon then my konting streak ng brown. Maya't Maya na din ihi ko. Di ako makapag desisyon Kung pupunta na ba ako sa ospital o maghihintay pa. Ung sa experience kasi ng dalwang pinsan ko sa 2nd baby nila, Hindi daw ganun kasakit. Tigas Lang daw Ng tigas then labor na pala un. 5cm na pala at Pina admit na sila.. Ano po sa tingin nyo mamsh? Should I go to the hospital na ba? Sa sabado pa Kasi Ang next sched ko..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Follow your instinct I guess. Orasan mo din yung pag tigas tigas ng tyan mo mamsh then update mo din si OB

4y ago

Salamat mamsh.. pag ganito pa din to bukas papa check na ako..