labor na po ba toh
37weeks and 2days water discharge with brownish discharge and nahilab ang tyan ano puwede ko gawin ayaw maniwala ng asawa ko sa nararamdaman ko? kaka IE lang kahapon 1cm
Hello. First of all, bakit ayaw maniwala sayo ng husband mo? Siya ba ang nagbubuntis at nakakaramdam ng sakit? Epal siya kamo, no offense 😅🤣 Sa experience ko nuon 37w 1d, 10pm pumutok panubigan ko, nagpadala na ako sa private hospital dito sa province na aanakan ko, nagpa-admit na rin ako nuon dahil malakas yung leak. Sa hospital na ako na first IE, naglabor at nag blood discharge. Malalaman mo na kung labor, kapag kahit ipahinga or itulog mo hindi na mawawala ang sakit. Magtutuloy-tuloy na. Sasakit ang tyan mo for 1 minute tapos hihinto, uulit ulit ang sakit after 30 mins. Magsisimula sa 30 mins ang pagitan ng sakit tapos, iikli ang pagitan, hanggang sa sasakit ang tyan mo every 3-5 mins. Kapag ganon active labor na pwede na manganak. Kaya kailangan orasan mo yung hilab mo. Gaano katagal? Gaano kadalas?
Magbasa pa
ig: millennial_ina | TAP since 2020