37 weeks

37 weeks na po tyan ko, nung nagtanong ako sa ob ko kung kailan ako pwede mag start mag ml pagbalik ko daw for checkup ie nya ako, dun pa daw nya masasabi kung kailan. Kaso kinakabahan po kasi ako na baka abutin sa byahe. Nahihirapan na din po ako magbyahe at maglakad. Medyo malayo po nilalakad ko from babaan ng bus gang sa office. Masakit kasi yung private ko, dahil daw yun sa malaki na si baby sabi ni ob. Pero kinakabahan talaga tuwing maninigas yung tyan ko, baka abutin ako sa office or bus. Laguna - Makati and vice versa ang byahe araw araw.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh! I think pwede ka na naman mag LM kung di ka na kumportable. Desisyon mo naman yan po at di ng OB. Me kasi tinapos ko lang buong May, then 36 weeks ako nun kasi nahihirapan na ako bumyahe and medj malaki na tiyan. Now I'm on my 37th na at dito na lang ako sa bahay para may time din akong magpahinga kasi EDD ko June 24.

Magbasa pa
VIP Member

ako po sakto 37weeks nag leave n ako, same tyo ganyan din ako cavite-makati naman ako hirap tlaga pag gnyan week na.. natakot din ako abutan s office or byahe(bus) kya nung nag 37weeks na nag Mat leave na ako.. now ika 38weeks ko na hnd pa lumalabas c baby pero at least d ako kabado na abutan ako sa kung saan hehehe..

Magbasa pa

I'm on my 35th week at same po tauo nahihirapan na rin po ako. Walang advise ng OB pero nagadvise na ako sa office na hanggang next week na lang ako. 37weeks po kasi baka maabutan na rin ako, lalo na po nahihirapan rin ako, and also may time pa para magpatagtag ng hindi aabutan sa opisina. 😂

TapFluencer

Ako 37 weeks na today lang. Nakaleave na po ako. Kasi medyo malayo yung work ko sa bahay namin, nakakatakot din. Pero sa ob ko, sinuggest nga niya na wag muna ko magleave kasi first baby ko daw. Baka abutin pa ko ng 39-40 weeks. Case to case basis din po siguro talaga.

VIP Member

Hi mommy. I think you can mention that naman sa OB. Sabihin mo nahihirapan ka na pumasok dahil sobrang layo din ng commute mo so baka pwede ka na nya irequest to be on rest until you give birth.

Me po, kahit walang advise ng OB nag advise na ako sa HR namin na magleave na ako on my 36th week. Better safe than sorry. Mahirap maabutan ng alanganin. Tanza to Paranaque pa po ako.

6y ago

Ayaw pumayag ng manager hanggat alang advise ni ob,

Laguna -Pasay naman biyahe ko sis. Nagpaalam na ko sa Sup ko na pagdating ko ng 8mos. stop na ko sa work at same with you ayoko maabutan sa biyahe mahirap na.

Pde ka po muna magrequest sa kanya ng medcert para pde ka mag leave of absence while waiting na manganak

Same sis 32 weeks everyday imus to makati hirap na mag lakad huhu

VIP Member

Mag leave kana Po muna sis