Hello po! Baka po may same case sa akin

36 weeks breech, may chance pa kayang umikot? Sino po naka experience? Kinakabahan na kasi ko, parang mas natatakot ako macs 🥹

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

36 weeks pina BPS ako ni OB.. breech pa rin si baby ko pero kahit hindi naka breech CS pa rin ako kasi paladesisyon hubby ko want niya CS saken kahit magastos at dahil CS din panganay namin.. anyway... so yun nga breech pa rin si baby na sched CS ako ng 37weeks at habang inooperahan ako narinig ko sabi ni OB nakapwesto cephalic na pala si baby ko.. nakaikot na kaya pala one day before ng operation ko bigla nanakit yung tyan ko.. umikot pala siya 😅 pero mi d ko sinasabi na lahat pumupwesto pero may chance ... ang tanong aantayin mo pa ba? panu kung maglabor ka at breech pa rin si baby..? bukod sa labor pains na mararanasan mo.. ma emergency CS ka pa kasi possible ma critical kung nakabreech at bigla pumutok panubigan.. ang importante po kasi dito safe kayo both ni baby... wag ka matakot mi ma CS.. yung pain.. yung recovery malalagpasan yan ang importante ang kalagayan niyo parehas ni baby mo... Godbless.. pray ka lang mi.. at pag usapan niyo ni hubby pati ni OB kung anu ang dapat nararapat sayo

Magbasa pa

sa experience ko po, since 35 weeks transverse lie si baby and di na sya umikot. usually daw kasi until 36 weeks lang yung ikot sabi ng OB ko. pero binigyan nya pa din ako ng chance until 37 weeks baka sakali before kami magdecide na cs na talaga. Pero ayun nga, di na talaga umikot si baby so we are force to have a c section delivery last sept 1. sabi nila try walking and play sound sa bandang pelvic para sundan ni baby.

Magbasa pa

ganyan din baby ko. breech but umikot din naman siya. yung ginawa ko is, palagi kong pinapakinig ng music and ilalagay ko sa lower part ng tiyan ko para malaman niya ba dun pala yung labasan. 😁 Tapos of course lots of prayer and kinakausap ko palagi si baby. nanganak ako 38 weeks and 3 days. normal.. akala ko ma Cs din ako dahil may scoliosis ako.. ngayon mag si-six months na si baby.

Magbasa pa

Mii pasundan mo pa din ng music at flash light si baby sa bandang puson mo. Try lang malay mo umikot pa. Sakin nakapwesto na si baby since 24weeks. Breech siya nung una eh. Natakot ako kaya lagi ako nagmmusic at lights nung lumalaki na siya. Pray ka lang din. Pero syempre, priority kung alin mas safe sainyo ni baby.

Magbasa pa

(2) tas first baby ko pa, takot talaga ako especially sa mga surgeries thingy. advice ng iba mag exercise ka like paglalakad, umaga tas hapon. pwede rin na tapat mo yung flashlight sa bandang puson o malapit sa vag!na para sundan daw, ginawa ko and feel ko true. sabayan mo na rin ng patugtog ka music.

Magbasa pa

lagay ka Bluetooth speaker sa gitna ng legs mo mi , wag cp. susundan nya ung music, ganyan din ako Nung 36weeks first baby ko advice Yan ng OB ko gusto Kasi nya NSD ako dahil un preferred ko. umikot nman tlaga c baby kausapin mo din.

yes same saakin. breech din baby ko hangang 36 weeks pero noong mag 37 weeks na sya okay na sya naka pwesto na sya umikot pa sya. kaya 3x ako nag pa ultrasound dahil nga breech si baby.

VIP Member

iikot pa actually pero patagtag kana mii lakad lakad umaga hapon galaw galaw kung hindi ka naman high risk. mahirap healing process ng cs matagal din. few more weeks bago ka manganak

iikot pa po yan pray lang at kausapin si baby then magpatugtog ka ng music malapit sa pwerta mo para sundan nya at flashlight para sundan nya

VIP Member

maglagay ka ng music sa tabi ng tummy mo mii ganun ginawa ko umikot siya bago ako mag duedate 😊☺ kausapin mo lang din lagi si baby mo.