Posterior Placenta Totally Covering The OS.

31weeks pregnant Edd:sep 15 Mga mommy tanong lang po. Nagpa ultrsaound ako ngaun. Nakapwesto na po si baby. Pero problem ko po nakaharang ung inunan nya sa may labasan. :( any suggestion naman po na pwwde gawin para umikot or umangat yung inunan nya. :( or may chance po ba na umikot inunan nya. Please need some advise at positive comments po.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I had anterior placenta totally covering the OS. Na discover sya nung 20 weeks ako kasi pina pelvic ultrasound ni doc dahil may spotting ako ng mga 5 days na siguro at takot na takot na ako. She advised me na mag bed rest, no sex at itaas ang balakang for 30 mins. 2 unan yung nasa pwet ko. Dahil sa sobrang takot ko, ginagawa ko yun sa 3x a day. After 4 days, nagpa anomaly scan naman ako, nakita dun na yung lowest edge nalang ng placenta ang nakaharang sa cervix. So I think nakatulong yung pagtaas ng balakang. Currently 25 weeks, she said na continue lang yung pagtaas ng balakang kung kaya pa. I don't know kung makakatulong yung pinagawa sa akin kasi baka malaki na ang tummy mo. Baka mahirapan ka huminga.

Magbasa pa

Aangat pa yan mumsh :) 34 wks ako nun nakita na medyo nakaharang yung placenta ko sa cervix ko kaya pinayuhan ako na mag bedrest , left side lagi matulog basta wag magpatagtag , tsaka basta walang spotting at wag muna makipag DO , tas nagpa ultrasound ako 38 wks naging high lying ako , Dasal Dasal lang mumshy kasi yung placenta pumepwesto daw yan kung san healthy at okay yung blood flow 😇😇😇

Magbasa pa

Ako po placenta previa totalis 4 months prone din po ako sa cs advice nang obey ko bed rest at may nka pag sabi sa akin itaas ko daw paa ko sa pader yun lang gnawa ko momshie after that nag pa check up ulit ako kinabukasan highlying placenta na ako... Dasal lng po at kausapin c baby...

At 30 weeks anterior placenta ako momsh, lagi po kasi akong naglalakad and nakaposition na si baby. Pero tinanong ko naman midwife kung may chance pang mabago lahat ng result sa ultrasound ko and sabi niya oo daw.

VIP Member

25 weeks po ako totally covering the OS. Kaya bedrest ko kc na nagcaude po ng bleeding. Ngayon 34 weeks posterior placenta na. Bedrest lang po and sabayan ng pray and palagi po kausapin si baby😊

Cs po kayo niyan. Kawawa si baby kung ipilit nio normal. Ipon na kayo ng pang cs kung wala pa. Ang panganganak naman dapat pinaghahandaan na cs and normal eh para nakahanda kayo whatever happens

Hindi po umaangat ang inunan. Minsan po sumasama lang ito sa pag stretch ng uterus. Wala po bang advice ang ob nio? Kasi po usually ay for cs po oag placenta previa

5y ago

Imagine pag lumabas ang placenta, ilang seconds or minutes na ma starve si baby ng oxygen and food.

During my 28 weeks ganito din findings saken after 3 weeks umakyat na inunan ko. Palagi lang naka elevate paa ko tas may unan sa may puwet ki pag nakahiga.

Wow.. Nakakatakot lahat ng comments. :) anyways. Thank you po.

5y ago

Hindi naman sa nananakot. Mas nakakatakot ung pinipilit ang gusto kahit mapahamak ang baby

Nako gurl baka mag bleeding ka nyan pag di ka nagpa cs