Stretchmarks

30weeks pregnant na po ako andami kong stretchmarks nagamit naman po ako ng Palmers Tummy Butter for Stretchmark pero andami pa din talaga stretchmark. Ano pong pwede gamitin para di na magkastretchmark o para maalis po yung stretchmarks ko thankyou po ng madami sa sasagot godbless

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

7 montha so Far wala pa strechmarks.. I use palmers lotion then i switch sa mas affordable virgin coconut oil 🤣😂 I am a nurse i believe wala sya sa pagkakamot... Pwede sa genes pero mag lotion or oil padin tayo kasi mas ok na momoisturize ang skin pra kahit nababanat sya hindi mabilis masira yung skin.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Nasa genes talaga yan. May mga type ng balat na kahit ilang beses magbuNtis kahit kamutin pa nla ng kamutin e hndi tlaga ngkakaron ng stretchmarks. Meron namang kahit anong gawing ingat pahid ng mga products at kng ano2 pa eh nagkakaron talaga. Hndi naman tayo kasi parepareho ng balat mommy.

5y ago

Pinagpala ka mommy. Hehe pero anyways ok lg naman f meron. Part un ng pagiging nanay eh. May iba naiinggit ksi wla dw sila stretchmarks. Heheh

Nasa genes po yan. Ako nga di ako nagkakamot pero nagkaron padin ako eh todo lotion pa ko sa tyan para daw moisturized at di magkastretchmarks kaso ayun ang lala pero worth it naman katunayan na may lumabas na sa akin 😊 Minsan kapag tulog ka di mo alam nakakamot mo na pala tyan mo

Magbasa pa
5y ago

Iba iba naman po kase yan depende yan sa katawan ng tao. Meron di nagkakaron ng atretch marks magkaron man light lang meron naman OA ang stretchmarks.

Ako sis naagapan ko yung skin. Maaga kong nag kamot kya Inagapan ko din ng lagay. 4mos plang tyan ko may konting kamot nako. Now 5mos na tyan ko halos wala na kong kamot hehe.. Sa tulong ng BIO OIL 😊 super affective.

Wala po yan sa ginagamit. I know a few na walang nilalagay at mahilig magkamot pero walang stretch marks at meron namang maalaga talaga pero ma-stretchmarks. Nasa collagen po natin yan at genes ☺

wala po yan sa kahit anong lotion mommy. nasa genes lang talaga yan. katulad ko mommy ko walang stretchmarks, kaya di rin ako nagkaron. yung mga kilala ko yung mga nanay nila meron kaya sila din meron.

4y ago

baka po sa side ng dad nyo namana

3x a day pag lalagay sis. Tapos dapat hydrated ka. Taasan mo fluid intake mo especially water. Kasi kahit mag apply ka ng mosturizer pero mahina pag iinom mo ng tubig, wala den.

VIP Member

ganyan na sguro yan ako kase nagtanong pa sa OB ng pede ipahid para bawas SM pero nagkaron pa den sabi nila baka pag tulog tayo di naten namamalayan nakakamot naten😅

buds and blooms belly smooth moisturizing gel sis. all natural at super effective na nakaka restore ng skin na may stretchmarks. #bestremedyforme

Post reply image

hi po, maganda po ata kung after nung tummy butter eh pahidan nyo din po ng oil for pregnant, for elasticity din po ng balat.