Sad STORY OF PREGNANCY

30 weeks and 4 days Baby boy First time Mom First Baby Sa buong journey ng pagbubuntis ko nito lang sumakit ang tiyan ko. Wala din akong spotting during that time..Biglang sumakit yung tiyan ko nung tanghali na yun.. pero nawawala din Parang lbm lang yung sakit niya. 1pm sumasakit na siya nawawala naman kaya ipimahinga ko nalang saka nadumi ako twice.. bandang 4pm sumakit na naman nag cr uli ako ala na kong maidumi nung huli kaya magpapaultrasound na sana ko para malaman kaso hapon na yun ala ng available na maguultrasound.. 6:30 pinahawakan ko sa lola ko na kapitbahay namin sabi ko bakit kaya sumasakit tiyan ko sabi niya ang baba daw nung baby kaya sumasakit tiyan ko eh manghihilot siya . Kaya tinaas niya si baby tapos nun tuloy tuloy na yung sakit 7pm sobrang sakit na kaya dinala na ko ng asawa ko sa hospital malapit dito samin nasa sasakyan palang kami naramdaman ko na yung ulo ni baby naka labas na hanggang sa pinapasok na ko sa loob ng ospital lumabas na si baby na walang buhay sabi ng doctor matagal na daw patay si baby sa tiyan ko. Buti daw di ako nalason, kala ko okay lang siya kasi nararamdaman ko pa lagi siyang nakabukol sa left side ng tiyan ko😭😭😭.. Iyak ako ng iyak sobrang sakit konti panahon nalang 2 months nalang halos mabubuo na namin yung 9 months.. I'll pray to God na bigyan niya ko ng lakas kasi hindi ko na kaya..Sana malampasan ko yung pag subok na toh sa buhay ko.. sa twing magigising ako wala akong ibang nararamdaman kundi sakit ng pagkawala niya. Alam ko may much better na plan si God for me. Hindi talaga siguro siya para sakin.. Pero napaka sakit pala mawalan ng anak sobra😭😭😭😭#1stimemom #firstbaby #lossmyBaby

499 Replies

condolences mommy pakatatag po kayo, saken po last Aug 11 nanganak din ako pero wala ng heartbeat si baby ko😢💔

Bakit daw po walang heartbeat?

Sending hugs to you mommy.. May i ask if bakit ganyan itsura ni baby? Para kasing may complication si baby.

hello mommy. condolences po sa inyo. sorry for the loss po. ask ko lang bakit po sya namatay? 🙏

condolence sis.😥..bago ba sumakit tyan mo nraramdaman mo pa galaw ni baby? nagpapaalaga ka din ba sa ob?

I cant find the words to express how saddening tong nangyari pero pakatatag ka mommy. Kapit lang kay Lord.

Deepest condolences po.😢 Be strong lang po. Have faith and pray. Godbless you and your family.❤️

Condolence momshie 😢 pakatatag kapo, May plano si god para sayo at kay little angel 😇🙏🏻

VIP Member

condolence po. everything has a purpose po. patibayin nyo lg sarili mo . God loves you .

Grabeee di ko maiwasang maiyak. Ang sakit sakit sa puso. Bakit daw po nagkaganyan mommy?

VIP Member

mommy be strong...will pray for you and baby....hugs. kaya niyo yan and God is with you.

condolence po. cheer up. napakahirap tanggapin pero kailangan.. pray lng po always. God bless you

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles