pahelp naman po

3 weeks and 3 days na po after kong manganak via normal delivery. ask ko lang noong una at pangalawang linggo ok naman ang tahi ko pero nung 3rd week na may mahapdi, everytime na iihi, maghuhugas ng pwerta mahapdi sa labas ng pwerta. ano kaya pwedeng gawin? hindi naman po ako makapunta sa hospital dahil malayo po.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maghugas lang po kayo ng betadine after umihi tas make sure lang po na magpunas ng tissue para laging tuyo. Try nyo din po umupo sa palanggana na may warm water at patakan ng betadine. Twice a day ko po to ginagawa or pagnakakaramdam ako ng hapdi.

mi gamitin mo po pangwash is betadine feminine wash. twice a day. morning and evening. medyo ibabad mo sya kahit 10sec bago banlawan. effective sakin yan mabilis natuyo tahi ko and wala ako nararamdamam na kahit anong mahapdi sa private part ko.

Post reply image

betadine fem wash at witch hazel perineal spray po naka tulong sakin mag heal agad ung tahi, 2 weeks lang okay na ung sakin. ung spray kasi nakaka help sya mag soothe at ma-lessen ung hapdi/kirot ng sugat. pwede rin po kayo mag cooling pad.

try using betadine feminine wash po makakahelp yun magheal po ng sugat wag po yung betadine na may mga scent yung betadine po na violet

maganda din po gamitin as tubig ung maligamgam na may pinaglagaan Ng dahon Ng bayabas, mabilis sya mkpagpaheal tas betadine femwash..

Ganyan yan pag naghihilom na sis. Ako nga nun iniiyakan ko pa kase kumikirot din.

1y ago

walang kirot, hindi sya kumikirot, as in mahapdi talaga na parang may sariwang sugat pa talaga.