Matamlay si baby 2years old
3 days sya nilagnat, after that may konting sinat pa pero sobrang tamlay nya na (2 days ng katamlay).. at hindi pa sya nadudumi (4days na)puro utot lang, ano kaya yun? Wala din sya gumana kumain, ang gusto nya nakahiga lang at matulog at puro dede( breastfeeding) lang sya.. ano na ba ang pwede kong gawin? Wala kaming pampa check up 😭
Mainam momsh dalhin mo na sa doctor para sure. Mas okay na maagapan yan kaysa hulaan natin ang dapat gawin. May mga pwede akong isuggest kaya lang, pag ganyang nag-fever pala ng 3days dapat madala na agad baka may infection tapos constipated pa. Pag di mo kasi maagapan baka hindi lang pampacheckup ang maging gastos mo, lalo at hindi kamo nagkakakain. Praying para kay baby 🙏
Magbasa pamay mga healthcenters at public hospitals po na wala namang bayad. wag nang ipagwalang bahala mga ganyan base sa mga sintomas kasi di po okay yan at may nararamdamang mali yung baby sa katawan nya (infection common yan o bumabagsak ang sugar, o dehydration)
Sa mga public hospital po hindi naman mahal maningil. Punta na po kayo hindi po dapat pinagwawalang bahala yan mommy. Nakakatakot po. Pero sana safe si baby ❤️
Ipacheck-up nyo mamsh… dalhin nyo sa health center, walang bayad ang check-up dun or sa public hospital para ma iguana ng tama ng lunas po
Pa check up na po mommy. Sa mga brgy health center po and public hospital, tiyagain niyo lang po talaga. Kawawa naman po si baby.
agree ako n need mo na sya ipacheck up