Reminiscing the experience of labor and delivery

3 days before ng due date ko, nagpa check up ako sa Ob ko. And, I was anxious that time kasi nag mixed na yung excitement at kaba, plus wala pa yung husband ko kasi nagka lockdown. So yun nga, nagpa check up. Pag BP sa akin, 220/140 ang BP ko, sobrang taas. That time lang nagka ganyan ang BP ko my entire pregnancy. Hindi na ako pinauwi at advise na ni OB for admission. Kinabahan na ako, malapit na due ko at ayoko ma ceasarean. First time ko maranadan lahat ng procrdures na ginawa sa akin. Hesitant pa ako at first kasi sa hospital na na admit ako dun ako nag tatrabaho. Nilagyan na ako ng IV, at nilagyan ng catheter, bedrest without bathroom privileges kaya nilagyan ng catheter ( at hindi ko talaga type na malagyan ng catheter ☹️). Then, pinapirma ako ulit ng consent na maglalagay ulit ng swero sa kabilang kamay dahil hindi pwede na isabay ang isang gamot sa iisang swero lang (yung main na swero may halon gamot para sa baby at yung isa para naman sa BP ko at sa baby na din.) I was so nervous at nagpray lang ako na maging okay at sana bormal lang mailabas ang baby ko. Taas baba na ang BP ko, may IM na Doctor ang tumitingin sa akin. Hanggang kinaumagahan ganun pa din ang BP ko, nulagyan na ako ng pampahilab ng OB ko dahil baka daw dala lang na manganganak na ako. No pain pa ako nun, may tawa pa na haling kaba. Pag I. E sa akin nasa 6-7cm palang ako. Hanggang sa nag decide OB ko na pa schedule ako for CS, kinuhanan ulit ako ng dugo for laboratory test. Ito na yu g kinakatakutan ko, ayoko nito. Nag pray ulit ako na sana wag matuloy ang operation at normal delivery lang ako. At yun nga, na induced na ako at sakt9ng humihilab na ang tiyan ko. Ang feeling na gusto mo umire kaso walang lalabas. Ika tatlong araw ng admission ko nangyari ang lahat, dun lumakas ang hilab ng tiyan ko at saktong kinaumagahan nailabas ko ng normal ang anak ko. Hindi na ako na CS, kasi maraming naka pila na emergency cases. Dininig ng diyos ang panalangin ko. In total, lahat na napag daanan ng pasyente ko, na experience ko din. Ang hirap ang karanasan ng isang Ina, kaya lalo akong humahahanga sa mga Nanay like me. At sa mga soon to be Mom, kaya niyo yan. Just pray and pray kasi hindi siya bingi, lagi niya tayong naririnig kahit ano man ang pinagdadasal natin. Keep fighting lang and Salute to mommies out there!!!!! #pregnancy #1stimemom #firstbaby #experience #LaborandDelivery

Reminiscing the experience of labor and delivery
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

congrats po πŸ’•

4y ago

Thank you po