Anembryonic pregnancy

3 days ago may nakitang sac sakin pero walang embryo. 2 weeks ago nagkaregla ako at heavy period siya followed by cramping tapos nagkasevere cramping na ako 3 days ago, dito ko nalaman na buntis pala ako. Nagtry ako ulit magpt sa bahay ng paulit ulit. Negative pregnancy test. Di rin siya nilagay ni OB sa transv result ko. Buntis ba ako? O hindi? Sobrang gulong gulo na isip ko to the point na parang gusto ko nalang matulog buong araw . Hindi ko pa gusto masundan si baby 1 ko pero kung, dumating na si baby 2. Mamahalin ko pa din siya ng buo at aalagaan. If i'm not pregnant, di ko alam kung dapat ko ba siya ikasaya kasi natuloy yung gusto ko eh. Pero at the same time alam kong mabigat sa loob ko kasi nawalan ako ng bb. I need some advice and answers to my question. Please enlighten me, medyo feeling at Lost ako ngayon. #anembryonicpregnancy #PCOSandFertility

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pwede ka magpa2nd opinion sa ibang ob. much better sa OB SONO ka magconsult para lahat may paliwanag habang inuultrasound ka