Speech Delay

2years old and 4mons na si LO pero wala pa sa 10words yung kaya niya sabihin. Nakikipaglaro naman siya sa ibang bata, nakikilala naman niya mga tao sa paligid niya, matalino siya dahil alam na niya lahat ng colors, animals, alphabet and numbers pero dapat mong sabihin saka niya tuturo. Isang sabi mo lang sa kaniya maalala na niya. Kaya lang ayaw niya magsalita, lahat naman ng sabihin mo naiintindihan niya, pag inutusan mo sinusunod naman niya. Ano dapat ko gawin mga mom's, may experience din ba kayo na ganto? Parang ayaw lang niya talaga mag-talk gusto lang Niya magturo pag tinuturuan siya magsalita nagtatantrums. Advice please 🥺

Speech Delay
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

first thing is to talk to your pedia. pag sinabi ni pedia na dalhin sa developmental pedia, pls follow. doon po kasi maaassess kung ano po talaga ang need. wag makakapante pag sinasabi ng iba na ok lang yan iba iba ang milestones ng bata. the milestones are there for us to check kung ano na ang expected sa bata kaya need natin ito ifollow. if the doctors say na ok lang, walang problema, then dun tayo maniwala.

Magbasa pa