PPD na po ba to?

2wks after ko manganak, nakaramdam ako ng panginginig ng katawan twing madaling araw, naka sandal pero biglang nahihilo, naduduwal kahit walang lumalabas..ang sabi ng mama ko, binat. Hinilot po ako ng magkakasunod na araw. Ngayon naman po lagi kami nag aaway ni hubby kasi feeling ko hindi nagiging malinis paligid ko, plus pa na nasa growth spurt stage daw si baby, breastfeeding ako kaya hindi mawalay si baby sa akin. Minsan nakakaramdam ako ng pandidilim ng paningin, tinutulog ko na lang. Minsan naiiwan ko si baby na gising at umiiyak. Di ko na po alam gagawin ko lalo na at sinasabayan din ako ng hubby ki everytime nagagalit ako. Salamat po

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi, better to see your OB. Possible mababa ang dugo mo kya ka bigla nahihilo or nagdidilim ang paningin lalo nat napupuyat tayo. Ang recommended vitamins sakin ng OB ko ay, Vitamins C, (Pearly C or Fern-C) Ferrous Sulfate - for iron ito 2x a day at calcium. May nabili akong iron supplements na isang bote, pic below. Introduce your baby to bottle feed. mag stock ka alng ng BM mo para kahit papano, nakakahinga ka. I feel you kasi ako gawa ko rin lahat at pag nagpadede nko, wala nko natatapos. 🥹 Kapag tulog so baby, try to relax yourself. Itulog mo din sya. Yung mga ligpitin kung di nman gamit ni baby, hayaan mo lang muna. May oras para dyan. Pwede mo yan unti-untiin. Yung asawa mo, kausapin mo sya kung wla ka makuhang support sknya, isoli mo sa nanay eh hehe joke lang. Ano ba un mga ginagawa mo nung buntis ka pa to spare your time? hanap ka ng ibang pwede mong gawin like manood ng movie habang nagpapadede, para ma divert un attention mo kahit papano.

Magbasa pa
2y ago

sinubukan ko na po i train ng bottle feed si baby kaso ayaw po tlga nya, try ko po ulit pagka 2months nya. nakaka sabay din po ako ng idlip kay baby everytime ja nakakatulog sya ang kasi yung diwa ko naman po ay gising hehe. Tinutulungan naman ako ni hubby sa mga gawaing bahay, kaso iba po tlga ang linis nating mga babae at mommy kesa sa linis po ng hubby hahaha nagyyoutube din po ako everytime na dumedede si baby sa akin para di rin ako mabugnot. salamat po

mi stress ka e kakapanganak mo lang. wag mo hayaan magalit o mag isip ng negatibo po kasi ganyan din ako nung kakapanganak ko lang naginig katawan ko sa lig hirap ako tumayo masakit buong katawan ko tapos bf pa ako puyat palage sa gabi inaaway ko si hubby tapos sinasabayan pako pero sabi ni mama wag ako papaapekto sa galit p inis o negatibong isip kasi pag ganun kawawa katawan ko sa stress daw kasi yun kakapanganak palang baka mabinat ng tuluyan po sumunod naman ako kay mama kaya ayun po sa tulong ng Lord hindi ko hinahayaan mainis kasi kawawa si baby pag mahina tayo kailanhan tayo nh anak natin. palakas ka mami. hugs po. stay positive po at kung may di pagkaunawaan ni hubby kausapin mo po siya yunh hindi ka galit at sabihin mo sa kanya yung nararamdaman mo po para di kayo.sumabog dalawa.

Magbasa pa
2y ago

parehas tayo first time mom din ako nung august lang nanganak mahirap talaga pag bf tapos walang kasama tapos iyakin pa si baby nakakaisip tayo ng di maganda pero mi may nagsabi kasi sakin na sulitin mo habang baby pa anak mo kargahin mo kantahan mo, yakapin mo kasiikipas din yang pagiging baby nila. kasama ang stress talaga pero kailangan marunong tayo magdala. busugin mo palage si baby kasi pag busog ang baby masarap ang tulog at totoo naman talaga yun. nag aadjust kayo pareho kami din naman pero lumilipas ang araw natututo naman talaga tayo at nababalanse natin mga bagay bagay nanay tayo e. kaya natin basta sa anak natin. kausapin mo palage baby mo po tsaka pray lang talaga. palakasin ka ng Lord po magalak ka lage kasi kasama mo baby mo at may asawa ka. mapalad ka. God bless you po.

sis tama nagpahilot ka kasi ako I recommend tlaga yan after giving birth dhil sobra ung hirap ng pregnancy at panganganak. 2nd dapat is make sure na kumakain ka ng healthu foods,milk at vitamins kasi need mo yan. 3rd u need help sa mga kasama mo sa bahay, kausapin mo si hubby mo. Tao lang tao normal na mainis at mapagod tayo from pregnancy to breastfeeding at pag aalaga ng anak naten. Kaya sobra ako bwisit sa mga lalaking hnd maruninh umunawa at mag alaga sa mga asawa nila. Akala nila madali lang. Hayss tiis kang sis kaya mo yan.

Magbasa pa

pacheck up ka mommy baka anemic ka po kasi nagka blood loss tayo during panganak natin. Hindi ka sana nagpahilot kasi kakapanganak mo pa, di pwedi yun. Lalo kang mabinat dyan. Tamang rest din. Ganyan din kasi feeling ko 3 weeks after ako manganak peru nawala kasi tinitake ko yung mga vitamins na niresita sakin.

Magbasa pa
2y ago

recommended po ng mga doctor ang magpahilot after manganak lalo na pagnormal kasi mas nakakatulong daw po yun para mapatigil ang pagcontract ng matres at pagdurugo.

Ask lang, hindi ba nalamog katawan mo since nagpahilot ka after birth kay baby? I'm not against sa hilot, kaso parang bugbog pa katawan mo sa panganganak tapos nadagdagan pa nung nahilot ka kaya bigla bigla minsan nakakaramdam ka ng pandidilim ng paningin kasi nanghihina pa katawan mo ng di mo namamalayan.

Magbasa pa
2y ago

hindi naman po, gumaan naman po ung pakiramdam ko after hilutin. lalo na po sa part ng ulo at balakang ang hilot nakaka gaan po ng pakiramdam

Mommy...iba po ang PPD hehe ang postpartum depression po kasi ay related sa mental state ng mind niyo po. While sa nararamdaman niyo po ay more towards sa physical state, pacheck ka po mommy..

Pacheck up ka Mommy, tapos dapat kasama si partner mo, para marinig niya rin sasabihin ng Doctor at para hindi ka na niya sasabayan. Dapat maunawaan niya yung nararamdaman mo bilang partner niya.

mi magtake ka ng vitamins. dati nahihilo din ako at parang masusuka plus naalulula. nirrsetahan ako ng vitaminss ng ob ko pero magpa cbc ka muna para sure.

baby blues po