Mga miii mali ba ako?

2weeks pp. mali ba na makaramdam ako na ayaw ko ipahiram si baby kay mil? Iyak kasi ng iyak si baby. Gusto ko kasi ako magpatahan sakanya. Tuwing iiyak kasi siya lagi kinukuha ni mil. Nasasaktan ako mga miii. Sinabi ko sa asawa ko na parang ayaw ko ipahiram muna, gusto ko ako magpatahan. Pero nag away lang kame. Dto kami nag stay kila mil. Nakakahiya kasi naririnig ung pag aaway namen. Di ko na alam gagawin ko mga miii. Madamot ba ko? 1st baby ko po ito, gusto ko matutunan kung paano plakihin si baby. Pinapahiram ko naman si baby sa madaling araw gang umaga. Sila ang nagpapa araw at nagpapaligo plagi kay baby. Napepressure ako dto sa bahay nila mil kasi pag iiyak na si baby parang kukunin na sakin which is true naman po. Maya maya anjan na lola niya kukunin sakin. Parang ayoko po kasi…Pa advise naman mga miii. Nahihiya na din ako dto sa bahay nila mil. Ako ung naiipit. Gusto ko na bumalik samin 😢

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mii oks lng po yan Buti k nga po tinutulungan ng mil m samantalang aq hindi pag ipapahawak q at mag cr lng aq saglit sasabihin p skin di n raw cia marunong maghawak ng Bata 😅😅😅

valid ang feelings mo , lalo at first baby. kaya pinilit ko c hubby na umalis don , kc diko magawa ung gusto ko kay baby lagi ako mali sa paningin nila 😔

pareho tayo nang situation ang nangyayari sa'tin, hays. gusto ko na din umuwi ng manila. FTM din ako. kaloka. kaya natin 'to, habaan natin pasensya natin.

Dapat lang nman tlga na ikaw magpatahan. Pano ka matututo kung laging ganyan na may sumasalo diba. Kung kinampihan ng asawa mo MIL mo iwan mo na yan dyan.

I always say kahit kanino pa. My child, my rules.

Bukod is the key 🙂

A