Hi po maglalabas lang ng thoughts

2weeks na po baby ko and sa tingin nyo po ba part ng postpartum yung mga thoughts ko? Ewan ko kung ako lang nakakaramdam neto pero parang gusto ko ulit magbuntis agad, as in agad. I know hindi madali naging pregnancy journey ko kasi at 1st trimester anjan yung morning sickness at laging nagsusuka, lost of appetite. At 2nd trimester naman laging masakit likod ko, madami na din akong inindang sakit kung saan saang part ng katawan ko dagdag pa yung byahe para sa check up (malayo kasi ob ko samin 30mins away mas mahirap pag traffic at nakamotor lang kami). Qt 3rd trimester naman anjan yung shortness of breath, acid reflux, masakit na likod, balakang, binti, hirap maglakad, mabigat ang katawan at antukin, dagdag pa yung IE and labor sobrang sakit talaga lalo na madaling araw ako naglabor, malamig so doble yung kirot kasi nga malamig. Pero yung feeling na nailabas ko yung baby ko (mabilis ko lang siyang nalabas kasi nakatagilid ako kasi hinihintay ko pa ob ko siya magpapaanak sakin kaso di na kinaya kaya nung pagbuka ng nurse sa legs ko lumabas siya agad di ko na kinailangang umiri hahaha) ewan ko pero gusto ko ulit mafeel yun. Namimiss ko yung sipa ng baby ko sa ribs ko, galaw nya sa loob ng tyan ko, yung sinok niya at lalong lalo na yung nalabas ko na siya. Gusto ko ulit mafeel manganak ng marami beses kahit alam kong masakit sa bulsa magkaanak at gusto ng partner ko 2-3 lang maging baby namin. Ayaw ko din naman ng maraming anak lalo ako naghihirap (dalawa pa yung tahi ko sa baba) it's just the feeling na nailabas ko yung anak ko, sobrang sarap sa feeling. Just a thought, wala akong balak magmadami ng anak😹 #postpartum #ftm

2 Replies

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4507397)

Kung mayaman naman mhie at hnd problema ang gastos sa baby mganak ka lng, ung iba gaya ko na gusto pa mgkaanak kaso mukhang hnd na kaya ng budget

Trending na Tanong