San nga ba ako naglilihi?

2nd trimester now. May nagtanong kasi sakin kung ano daw mga hinahanap hanap kong pagkain ngayon. Ang kaso wala akong masagot kasi, wala naman akong gustong gustong kainin ngayon. Nung 1st trimester, dun ako maselan. Nung mga unang buwan, gustong gusto ko ng mga maaasim, lukban, kalamansi, Sampaloc, Manggang hilaw, minsan nga kung walang prutas na maasim, suka at chichirya nalang. Pero nung dalawang buwan na, Ayaw ko sa mga pagkain, kahit amoy. Pinipilit ko lang kumain, pero konti, minsan isinusuka ko pa. Ang tangi lang na nakakain ko noon ay tuyo mga momsh. Pero hindi naman sana ako dun naglihi, ne? #1stimemom #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang cute. Ganyan din po ako gaya nyo. Maselan din sa pagkain. At ang kaya ko lang po kainin noon skyflakes. Pagtinatanong din ako saan ako naglihi.. di ko din alam. Wala naman kase akong particular cravings. Ang importante po nakakakain pa din kayo. Kaso di po ba masyado maalat ang tuyo? Baka po magkauti naman kayo if un lang po nakakain nyo nun?

Magbasa pa
3y ago

Wow 😁 ikaw din momsh. Ingat palagi. God bless ❤️🤗