Bakit ganun 2 day na may dark brown discharge ako and today red blood discharge na ang nalabas...

Dapat po magpacheck up po kayo agad. Brown Discharge is considered spotting po. Ako naglight brown discharge, dalawang reseta ng gamot na pampakapit ang tinake ko. Duphaston at Utrogestan (Progesterone). Pinagbedrest pa ako for 2 weeks. Then after 2 days, nagkared blood spotting na possible naiwan nung nagkabrown discharge ako. Medyo maagap kasi kami nung nakita ko palang yong dugo kahit 4 na patak lang, check up agad. Nagpa ER agad ako para sure. And we're so thankful na okay naman si baby. Kaya miii, delikado ang first trimester, white or transparent discharge lang ang normal. Pag ibang kulay, delikado po. Lalo na kapag spotting or bleeding, di po normal yon. Wag po kayo magdalawang isip na magpaER para macheck up agad kahit pa gaano kakonting discharge r dugo ang nakita nyo po.
Magbasa pa

