Looking for someone to adopt my baby
29 weeks pregnant will be due this october 2022 looking for a nice couple to adopt my son.. I was left alone to deal with my pregnancy, struggling emotionally and mentally
Hindi ka po namin jinajudge.. Naiintindihan po namin na di ka makapagisip dahil sa nararamdaman mo.. Ngaun po struggling ka... Pero once na ipaampon si baby..habang buhay na yan struggling mo kase mayat maya mo sya iisipin.. Kahit ayaw mong isipin hindi mawawala sa ina ung lukso ng dugo.. Naway po di nyo pagsisihan ang pagpapaampon.. Handa na rin po kayo ng risk masumbatan ng anak nyo po, makunsensya habang buhay at pagsisi.. Di lang po kayo ang may ganyang problema.. Maski din po ako ganyan din.. Inisip ko mawala panganay ko kase di na nagpapakita yung tatay.. Wala ako kamag anak... Di ko alam gagawin ko.. Pero tinuloy ko pa rin dahil natatakot ako sa habang buhay na pagsisi.. Ngaun nagkabalikan kami ng tatay at meron na kami 2 anak at ako po ay buntis ngaun at masaya po kami na pamilya.. Kung nakayanan namin ang ganyang problema.. Kaya mo din mi.. Basta kapit lang.. Pakatatag ka.. Mejo mahirap sa umpisa pero bawing bawi naman bandang huli.. Hug ka namin mi.. ☺️
Magbasa paTo be honest hindi pag adopt ang solution diyan. Kahit ako buntis ako nang maghiwalay kami ng partner ko, pang 3rd baby na pero di ako sumuko, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko isupport silang lahat. Kahit depressed ako hindi ko inisip yung mga bagay na negative. I made myself stronger para sa mga anak ko. Blessing yan from God. May reason kung bakit nangyayare sayo yan. Gusto ni God matuto tayo sa buhay. Kaya always pray lang. Kase pag pinilit mo yung gusto mong mangyare, nasa huli ang pagsisisi. Ngayon 6 months pregnant ako sa 3rd namen pero pinipilit kong kayanin araw araw, kase yun ang gusto ni God para sakin. To be stronger and to be a good example na hindi basta basta gumigive up sa buhay. Lahat ng bagay may kapalit. Kaya dapat matutong makuntento. Marami kapang mararanasan sa buhay. Di pa yan yung pinaka worst. Basta pray lang ng pray. Magiging ok din ang lahat. Just think positive lang.😇😊
Magbasa paGanyan din ako sa first child ko. struggling physically,mentally and emotionally ng iwan ako ng tatay ng anak ko. pero mas pinili kong buhayin sya at magpakatatag para na rin saming dalawa. Happy to be a single mom that time. Di naman kabawasan ang isang pagiging isang solo parent bagkus I feel proud na naitaguyod ko ng maayos at napalaki ng buo ang aking anak. Ngayon, dumating ang taong handang tanggapin lahat sa akin, pinakasalan ako at binigay ang pangangailangan ng anak ko na para nyang totoong anak. And now we are 1 happy family. 😍 God always there to guide you. I swear blessing si baby sa buhay mo. Kung kaya ko nga noon, Im sure na kaya mo din yan. Your child is your strength 🥰 fighting lang mamsh 😘
Magbasa paHi momsh, i want to say na may kakilala ako na willing mag adopt, maganda ang buhay nila but never sila nabiyayaan ng baby. Pero I also want to say na keep the baby momsh, anak mo yan pamana yan sayo ng Panginoon, lagi mo tandaan hindi ka bibigyan ng pagsubok ng Dios kung hindi mo kakayanin, yun ngang kakilala ko mdami silang pera nabibili nila lahat ng gusto nila masaya relasyon nilang mag asawa pero alam ko na may kulang prin saknila kasi wala silang baby, kahit anong ngiti tawa at galak ang ipakita nila alam ko pagsarado ng pinto ng kwarto nila may lungkot kasi umiedad na sila pero silang dalawa lang, kaya mo yan momsh, kapit ka lang sa Dios lagi mong isipin regalo niya yan sayo ❤️❤️❤️
Magbasa paKaya mo yan Sis!once nakalabas na si baby..you will fall inlove with him..na hindi mo sya kayang i let go kasi he belongs to you..God gave him and naniniwala ako HE will provide.you're in a medical field like me.. mahirap man ang work at isabay ang pag aalaga sa mga baby pero hindi tayo pababayaan ni God at ng family natin..as long as may family or katuwang or magnanny na pwedeng tumingin sa baby natin while working maipoprovide natin mga needs ng baby natin kahit walang Partner.. Tatagan mo lang loob mo.. afterall para kanino na nagpapakahirap tayo magwork diba kundi para sa family at mga baby's natin. now you have more reasons to move on and live life with your Kid/s.Ps..please keep your baby with you.
Magbasa pasorry to say this sis pero ang selfish ng reason mo. gsto kitang intndhin pero mas naiisip ko ang baby mo. seems like just because you're struggling inside dahil iniwan ka ng father ng bata eh ipapaadopt mo na agad baby mo. capable k nman financially gaya nga ng pgkakasabe mo sa profession mo. di mo man lang naisip ano mafifeel ng baby mo paglaki nya and malaman nyang inayawan n nga sya ng tatay nya, pinamigay pa sya ng mother nya. can you really do that to your own child? napakaheart breaking ng ganito 😢
Magbasa paNagbasa ako at nakita ko nasa Medical field ka pala.. Same tayo momsh nasa Medical field din ako kaya nakakalungkot na willing ka ipaadopt si baby mo na kung tutuusin kaya mo yan buhayin mag isa.. Kung financially usapan kaya mo mag isa buhayin ang mga anak mo na di kelangan ng help ng iba.. Sana mapag isipan mo etong bagay mii.. May mga institutions naman makakatulong sayo alam mo naman yan.. Ngayon palang paconsult ka na sa psychiatrist para sa mental health mo. Mas ikalulungkot at pag sisisihan mo balang araw pag napunta na sa iba si baby.
Magbasa panakakalungkot yung ganitong ina... ako 2 times na nagka still birth at wala pa kaming baby... itong pangalawa hnd kopa naipapanganak kc hinihintay kopa na maglabor ako.. naka admit na ako ngaun sa ospital. gustong gusto namin magkababy pero langing binabawi ni god pero ikaw na biniyayaan ei ikaw ang umaayaw.... kung pwede lang sana na magpalit tau ng sitwasyon para wala na taung problema ei...
Magbasa pahindi kayo parehas ng pinagdadaanan, kaya kahit nakakainggit yung may anak, wala tayong karapatan husgahan ang desisyon nila. mahirap pagdaanan ang pagbubuntis mag-isa :) baka nga mas nakabubuti pang ipa-adopt ang bata kaysa palakihin niya pero hindi naman niya maalagaan kasi nga ayaw niya.
hello po kung may problema man po kayo wag po kayo mawalan ng pag asa instead mag pray n lng po kayo 🙏 para sa safety nyo po ni baby siguro sa ngayon magulo lang po isip nyo pero siguro pag nailabas nyo n si baby Sana di nyo na maisip ipa adopt sya Kasi kawawa namn si baby madaming gusto magka anak pero di biniyayaan kaya maswerte tayong mga buntis Kasi biniyayaan tayo ng baby . pagsubok lang po yan mi malalagpasan nyo din yan ng hubby mo pray lang po kayo lagi ☺️🙏 Stay safe po satin mga buntis
Magbasa panakakalungkot naman po ito .ssa totoo lang meron po akong adopt last 2018 kasi ang tagal po namin nagtry magasawa di po kami mabigyan ..lahat po ng pangangailangan at kalinga ay ibinigay namin sa adopt namin na yun..pero sa di inaasahan pagkakataon sa loob ng 8yrs namin magasawa ngyon taon po nakabuo kami sa panahon na walang wala kami ngyon dahil wala trabaho ang asawa ko ngyon at marami kami utang ...pero dahil nga blessing at matagal namin hinintay to ..kakayanin namin.sana ganyan ka din pagsubok lang yan ni lord.
Magbasa pathank u
Got a bun in the oven