Hirap makatulog

29 weeks preggy po ako. Since 28 weeks ako, hirap na akong makatulog nang maayos. Madalas, late na ako nakakatulog then magigising ako around 2am or 3am. Madalas 6am na ulit ako makakatulog. Kahit super antok na ko, magigising at magigising pa rin ako. Lahat na ng posisyon sa tulog tinry ko. Puro unan na nakapalibot saken pero ganun pa din. Hindi ko sure kung bakit pero everytime makukuha ko yung antok ko, bigla akong makakaramdam ng sensation na iritable at parang nanggigigil. Madalas yun po ang pakiramdam ko kaya di ako makatulog nang maayos. Normal lang po ba ang ganung pakiramdam? At ano po ang pwede kong gawin dahil gabi gabi ko po iyong nararanasan. Baka makasama na kay baby yung pagpupuyat ko pag nagpatuloy pa. Salamat po sa makakasagot.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang yan mommy. Ganyan din po ako nung nagbubuntis, natutulog ako 2 or 3am na tas gigising ng maaga din tapos tutulog ako ulit hapon 4pm. Lalo mainit pa panahon nung time na yon sobrang naiirita ako.

VIP Member

Half bath po kayo ng maligamgam sa gabi para marelax muscles nyu po..

4y ago

Thanks po. Ita try ko po ito.