22 years old na po ako at may isa akong anak, iniwan kami ng tatay ng anak ko. Ako ang bumubuhay sa anak ko pero nakikitira ako sa bahay ng magulang ko. Araw araw po umiinom ng alak magulang ko at sa kada umiinom sila e pinapakita nila sa anak ko. Mali po ba na sabihin sa kanila na wag na sila uminom dahil tumatanda na sila at baka magkasakit pa sila. Halos araw araw ko din po sinasabi sa kanila na wag na nga po sila uminom. Pero ang palaging sagot ng nanay ko sakin e wala akong pakealam mamatay na ko tutal daw po e wala akong kwentang nanay sa anak ko. Masakit po sakin yon bilang anak. Binubugbog po ako ng nanay ko kapag di niya din po nagustuhan ang naging output ng utos niya sakin. Ako na din po kasi naglilinis dito sa bahay, nagluluto at naglalaba at kung ano pa man pong gawaing bahay. Wala naman po akong reklamo don kasi nakikitira nga naman po kami ng anak ko sa bahay nila pero never nila nagastusan anak ko kasi ako po ang gumagawa ng paraan para may pambili ako ng kailangan ng anak ko. Gustuhin ko man pong umalis pero dahil lockdown wala po akong choice. Ilang beses na din po ako naglayas dati noong wala pa po akong anak dahil nga po sa pambubugbog ng nanay ko sakin at sa mga masasakit na salita na nakukuha ko sa kanila ng papa ko. Kuya ko sinakal ako dahil sobrang galit din po sakin at hindi nagustuhan yung niluto ko na pagkain. Pero wala pong ginawa magulang ko. Hindi ko na po alam gagawin ko. Gusto ko malang po umalis dito pero lockdown. Ang sama sama na po ng loob ko, pagod na pagod na po ako. Kahit na ganyan sila sakin e nirerespeto ko pa din sila kahit na sila e wala nang respeto sakin. Sa kada naglalayas ako noon dito e nageeskandalo sila sa social media. Dont get me wrong 20 years old po ako nung unang beses na naglayas ako. Pero dahil na din sa pananakot nila kaya ako umuuwi. Sasabihin di na uulitin pero eto naulit ng naulit hanggang sa lumala nalang ng lumala. May tanong din po ako. Kapag po ba umalis ako dito samin at pinilit nila akong umuwi dahil na din sa tinatakot nila ako e pwede po ba akong tumanggi na ayaw ko na umuwi?