First time mom

21 weeks na po si baby sa tyan ko , naninigas po sya na nawawala rin po after 5min or less kanina po nag pa check up ako kasi di ko na fe-feel yung pintig sa tyan ko na dapat ay mas lumakas pa at yun na nga po ang kinakatakot ko gamit yung fetal doppler hindi po mahagilap yung heartbeat ni baby kinakabahan na po ako di naman po ako dinudugo natatakot po ako mawala si baby kasi first baby po namin sya ng partner ko ano po ba dapat gawin ko kay baby na diagnose po kasi dati na may mild bradycardia sya na naging normal naman po kalaunan wala na nga po ako halos ginagawa dito samin dahil sa maselan po si baby nito lang pong kaka 5months ni baby ako nag kikilos tapos ganto po nangyari 😢

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako nuon mi,hnd mahagilap ng midwife ko yung heartbeat ni baby kasi maliit pa daw c baby tyka maloob daw kay nag pag ultrasound kami mi ok nan c bb ko.

3y ago

nag pa ultrasound po ako kanina ok naman po sabi nung doktora na nag ultrasound sakin minsan dahil sa pwesto ng bata kaya di malocate ng doppler yung heartbeat, napa praise God ako kanina nung nalaman namin na okay lang si baby

Hindi po malocate heartbeat ano po suggestion nila? Pag ganyan kasi matic for pelvic ultrasound.. Mii pray ka lang po na sana ok si baby🙏

3y ago

Goodnews po yan mii🙏 keep praying lang po.. Happy Mother's day🌹💐🌷

Mi, your OB should have requested for pelvic exam if d malocate ang hb thru doppler to be sure baby's okay. I pray everything is.

3y ago

ok naman po nakita na kanina sa ultrasound di lang po sya nag kikilos at according po sa doktora na nag ultrasound sakin minsan po dahil sa position ni baby kaya di nalolocate ng doppler yung heartbeat

Pacheck up ka agad OB sis para ma ultrasound. Praying for you. 🙏🏻

3y ago

ok napo si baby normal po heartbeat 154hbps , kulang lang daw po ako sa vitamins

para sure request ka ng ultrasound sa pinapa checkupan nyo po

Ano result ng check up mo?

3y ago

pinainom po ulit ng duvadilan for 1week then okay po lack of vitamins lang daw po ako kaya ganon po pero ngayon okay na po ang dalas na nya sumipa

Related Articles