Cheating Partner: Ipag lalaban pa or iiwan na? Kailangan paba mag investiga?

2022 habang buntis ako sa bunsong anak namin nahuli ko yung partner ko na nakikipag chat sa tropa niya about dun sa ginawa nila nung nag outing sila. dun ko din nalaman na may kasama silang babae at nakahalikan pa niya. nag away kami nun pero imbes na ayusin niya nag hanap pa ulit siya ng ibang babae na papatol sa kanya at ayun na nga. naka hanap siya. kapitbahay nila. Hndi ko alam yun hanggang sa manganak na ako. Patapos na ng 2022 ng nalaman ko yung tungkol sa relasyon nila. kinausap ko si Girl at dali dali din niyang tinapos yung relasyon nila at nag karoon siya ng BF. Naging close ko si girl pero hndi nag tagal yung relationship nila ng new BF niya. Kami naman ng partner ko naging maayos kaming dalawa. Hindi kasi umuuwi partner ko tuwing weekdays mas malapit kasi bahay ng mama niya sa trabaho. nitong mga nakalipas na araw parang nararamdaman ko na may kakaibang kinikilos yung partner ko. 10pm sinasabi niya matutulog na siya pero makikita kong online pa sa FB kahit 12am na. napaparanoid ako at feeling ko kasama niya nnman yung girl na ngayon nga ay naging close ko nga. napapansin ko sabay sila nag ooffline. at sa tuwing hndi mag rereply ang partner ko na nag tutulog tulugan hndi din nag rereply si girl. Wala pa akong proof pero malakas ang pakiramdam ko na may ginagawang kalokohan nnman partner ko. Hindi ko alam kung same girl paba or iba na. Sana mabigyan niyo ako ng advice. Iintayin ko lahat ng advice niyo.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pinaglalaban mo yung taong umaayaw na sayo. gugustuhin mo ba na ganyan kalakihan ng mga anak mo na makita nila na ginaganyan ka lang ng tatay nila wala ng respeto syo? di na pinag iisipan yan.. hindi pa naman yata kayo kasal. Hindi ganyan ang pag mamahal.. life is too short to have a miserable life.. you know better.

Magbasa pa