Advice pls

2 yrs and 8 months po kaming married ni mister. Sa unang taon ng pagsasama namin, 1 yr and 8 months di kami magkasama sa iisang bubong, nagkikita lang kami kapag may holiday o vacation leave kasi naassign sya sa work nya sa malayo. Tapos nakabalik sya dito sa amin 1 yr na din kami nagsama sa iisang bubong. Nabuntis po ako sa panganay namin ngayon lang 2 months na, at nagresign din si mister sa work nya 2 months ago din dahil balak nyang mag-abroad (di pa namin alam na buntis ako). Ngayon ay nandun sya sa province nila, ako naiwan dito sa province ko. Umalis sya nung August 23 para kunin ang passport nya dun sa kanila, tawid dagat kasi kami dito bago yung kanilang province, walang DFA. Didiretso na sana sya ng Manila para mag-apply abroad kaya lang di pa nagpapapasok ang Taiwan dun nya kasi balak. Dahil di pa pwede sa Taiwan nag-apply sya ng work sa kanila at natanggap naman sya, 8k ang sahod nagiincrease every 2 yrs ng 25%. Mas maganda ang sahod kesa sa previous job nya na 4 yrs na sya sa service pero 10k pa rin ang sahod nya. Ngayon po nagdadalawang isip ako kung papayagan pa syang mag-abroad (if matanggap sya) kasi nga nabuntis na ako, di ko sya kasama habang buntis ako at di nya makakasama si baby for 2-3 yrs dahil sa contract nya abroad at baka magrenew pa sya. Tapos iniisip ko din kung di sya mag abroad baka di kami makaipon ng malaki para sa future ni baby, para sa college nya un kasi agad ang iniisip ko. Balak nya kasi magtayo ng business pag nakaipon sya abroad para pagbalik nya may aasahan pa rin kami. Isa pa kung di rin sya mag aabroad magkahiwalay pa rin kami kasi andun sya sa province nya, ako naiwan dito. Meron akong sari-sari store dito tsaka sarili namin ang lupa, kung susunod ako dun sa kanya mag-rerent pa kami ng bahay kasi wala sila lupa doon. Ano po kaya ang mabuting gawin?

1 Replies

VIP Member

For now let him work locally. For me, sometimes we need na magsacrifice para sa future so if okay na ang taiwan.. let him go. Ikaw stay put dyan sa inyo

Trending na Tanong