2 weeks into postpartum na ko, Naiiyak ako everytime na kumikirot ung sugat ko. 4th degree daw kasi ung sugat ko sabi sakin ng OB ko. Hanggang pwet yung tahi ko. Bale yung cut sakin na maliit, nag extend pa hanggang pwet ko dahil pinilit ko i-ere palabas si baby ko. Nung first week checkup ko for postpartum, Muka akong ewan sa clinic. Pinapaupo ako ng nurse pero hindi ko kaya, samantalang ung iba dun na namumukaan ko na kasabayan ko ang komportable ng upo nila, nakadekwatro pa nga sila. Ako hindi makaupo hanggang ngayon, Kailangan ko pa ng tulong para bumangon. Para akong sinumpa. Naiiyak ako kasi hindi ko masyado mabuhat ung baby ko ng matagal, gusto ko sya alagaan pero hndi ko sya matutukan dahil sa iniinda ko. Hindi ko magawa ung hele at pagsayaw sayaw kasi parang bubuka tahi ko. Mag-3 weeks na kami ni baby sa monday. Naiiyak na lang ako minsan pag nakikita ko ung mama ko na buhat ung baby ko samantalang ako wala ako magawa. Gano katagal ba ko gagaling. Ni hindi rin ako makapaglakad ng malayo dahil masakit talaga. Masipag naman ako maglinis ng sugat ko pero ang bakit parang ang tagal talaga ng recovery ko. Naiiyak na naman ako.. First time mom po ako..