Nambabae at namamakla ka live in ko

May 2 na kaming anak ng ka live in ko, last year nambabae sya nahuli ko, huminge sya ng tawad at ramdam kong bumabawi sya at hindi na nya inulit yun. Hawak ko lahat ng soc med account nya so far wala naman akong nakikitang mali. Lagi nyang pinaparamdam sakin na mahal nya ako at mga anak namin, lahat ng needs namin pinoprovide nya. Sa mga luho ko naman sya mismo nag ooffer sakin or suggest na bilhin ko to bilhin ko yan tapos sya lagi nagbabayad, sweet sya sakin lagi nya akong tinatanong kung gutom ako or may gusto ba akong bilhing pagkain mga ganung bagay. Pero lately mejo gipit kami kasi nag resign sya sa trabaho ngayon umeextra sya sa pag delivery rider ang kaso madalang sya bumyahe kaya kinakapos kami sa pera. One time may nag text sakanya bakla niyayaya sya mag sogo tinatanong ko sya about dun and sabi nya wrong sent daw, nag text ulit yung bakla na nawrong sent nga daw sya. Napapansin ko din na gabi sya bumabyahe 2 hours lang tapos uuwi na pero andami nyang pera bumibili agad sya ng pasalubong para samin ng mga anak nya. Bibilhan nya ako ng mga skincare ko mga damit at mga needs ng anak namin. Masyadong madami pera nya para sa 2 hours na byahe as delivery rider. Gusto ko na sya hiwalayan dahil feeling ko nag fefade na feelings ko sakanya kaya lang naawa ako sa mga babies ko need pa nila suporta ng papa nila dahil hindi pa ako pwede mag work dahil dalawa silang breastfeed ko. At the same time naaawa ako sa partner ko dahil naiintindihan ko naman sya kaya lang mali talaga yung ginagawa nya e. Pinalitan nya narin password ng phone nya pero yung treatment nya sakin hindi naman nag bago sweet pa rin at binibigay lahat ng gusto ko. Advice po ano pwede kong gawin???? #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mamsh!!!! :< gets ko yung point mo, oo mahirap mag decide but how can u imagine na if nag memake love kayo or mag kiss man lang or kahit pagiging sweet nya sayo ginagawa nya din sa iba? hindi lang sa bakla pano kung sa babae ulit? I'm not here to let u overthink ha? naawa lang ako sayo, hindi mo deserve yung mga luho na galing sa kanya kung sa ganong paraan nya nakukuha yon. para mo narin syang tinolerate, sinasaktan mo lang sarili mo kahit sabihin mong nav fefade na feelings mo sa kanya :

Magbasa pa
2y ago

Hindi na kami nag memake love simula nung kinutoban ako about sa ginagawa nya almost 2 months na walang nangyayare samin kasi kapag nag iinitiate sya umiiwas agad ako kasi nandidiri ako na ewan. parang I'm here na lang para sa mga anak ko.hindi ko naman sya pwede iwan kasi mahal na mahal sya ng mga babies ko they are 2 years old na lagi silang nag bobonding naglalaro nagtatawanan basta masaya sila lagi pag magkasama.