Hi Good day po.. Pag 18 weeks po ba talaga hindi pa po nararamdaman si baby yung paggalaw nya ?tnx

Hi Good day po..  Pag 18 weeks po ba talaga hindi pa po nararamdaman si baby yung paggalaw nya ?tnx
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag first time Mom po talaga is di mo agad mararamdaman movement ni baby. Sabi nila usually pag 1st time Mom, between 22-24 weeks mo siya una maramdaman. Pero iba iba po kasi tayo magbuntis. Ako 19 weeks ata may nararamdaman na ako pero not sure pa ako kasi first time ko rin until dumating mga 20, 21 and 22 weeks ayun naramdaman ko na siya.

Magbasa pa
4y ago

yes mommy. iba iba talaga magbuntis ang mga babae. 😊

may mga nakakaramdam na sis pero meron ding hindi pa. hintay hintay lang. anterior placenta mo sis? ako naramdaman ko na sya ng 18 weeks pero di pa masyado malakas at pawala wala pa which is normal naman daw. 20 weeks onwards mas feel ko na kahit anterior placenta ako

1st time mom din ako and nramdaman ko tlga unang pitik ni baby mga 20 weeks and mahina lng kasi anterior placenta ako. Ngayon mag 31 weeks na anterior placenta prin ako pero napakalikot 😅

depende mommy. 1st time mom rin ako pero 1st time ko naramdaman si baby @ 17 weeks tska naka anterior placenta ako then nagsunod sunod na galaw nya nung nag 21 weeks na till now

depende yan sis ako nga 15weeks palang ramdam kona yung pag pitik nya kahit di masiyado napipitik sa tommy ko and im 19 weeks preggy pitik padin yung na fefeel ko sa kanyan ❤😂

VIP Member

ako din na bothered bakit di ko pa siya naramdaman. Then started to play music every night. First night pa lang nag react na siya. saktong 20 weeks 😁

ako din di ko pa ramdam. parang mga pitik lang pero di ko naman alam kung si baby yun kasi first time ko to. same tayona 18 weeks :)

Sabi po ng OB mas madalas late nararamdaman pag first time mom. Ako po 20 weeks ko sya naramdaman talaga. 😊

18weeks din ako, ramdam ko na siya lalo pag gabi. iba iba naman po, soon mafeel mo na din si baby 🥰

Pag 1st time hindi pa masyado. Mga 20 weeks pa siguro bago mo po ma feel yung pag galaw ni baby.