21 days old baby

#1stimemom ano po pwede gamitin na ointment para maaalis ang diaper rash ni baby? #firstbaby #advicepls

21 days old baby
78 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po, sabi dun sa napanuod kong vid ng isang pedia. yung rashes daw usually sa pwet and genital part ni baby is from the pupu itself. acidic and medyo oily raw kasi yun lalo na pag hindi nada-digest mabuti ni baby nagiging lactic acid daw if im not mistaken, kaya dapat yung ipanghuhugas make sure na bumubula (ibig sabihin daw pag bumubula is natatanggal yung oil) yung soap and sa running water huhugasan si baby. pag wipes or cotton with water lang daw yung pinampupunas sa pwet ni baby, mas kumakalat lang daw yung oil and hindi natatanggal. try niyo lang po yung baby soap niya and running water or kahit buhos-buhos lang using a tabo if lukewarm water po yung gagamitin kay baby. 😊

Magbasa pa

wag muna po magdiaper momsh or lampin muna para d mairitate lalo. pag nag wiwi po wash agad water. ok po cetaphil gentle cleanser. then pat dry lalo n s mga singit singit o folds. d po advisable petroleum jelly kasi mainit po un s skin ni baby. ok ang calmoseptine or pseudocrem medyo pricey nga lng. konti lng po ilalagay s may rashes. then make sure po mild lng ang detergents n pnlaba ng clothes ni baby or banlawan lng mbuti pra d mkairita ng skin.. sna mgng ok n c baby mo..

Magbasa pa

aysus kWawa nman si baby... wag hyaan na punung puno ung diaper tpos kpg ppalitan na gumamit Ng wet wipes tpos punusan din Ng mlinis na lampin ung private area ni baby tpos lgyan mo Ng baby powder ispread Ng maige pra mginhawaan si baby, eventually huhupa ung rashes kpag gnun lgi ggwin kpg mgddiaper change si baby..

Magbasa pa
Super Mum

Here's what I'm using po when it comes to diaper rash ni baby. Both are okay pero mas love ko ang Drapole mommy. Mas mabilis mawala ang diaper rash ni baby kahit medyo pricey. 💛 Aside from that, air dry as much as possible yung area and avoid using baby wipes muna. Warm water and cotton will do.

Post reply image

mag bulak Po Muna Kayo, change Po Ng diaper brand, lagi Po tuyuin Yung pwet ni baby after palitan Ng diaper..don't use wipes , calmoseptine Po maganda pero mukhang malala na Yung Kay baby.. ung ibang baby hiyang sa drapolene. best is wag ibabad pwet ni baby sa ihi at poops.

VIP Member

Cleaning: Water and Cotton only Diaper: Pampers Cream: Elica (Mahal pero sobrang worth it if may rashes na) Extra Cream: Tinybuds In a Rash. Pag walang rashes si baby, pinapahid ko lang sa singit2x Pero mas better ask pedia momsh 🤗

Magbasa pa

Calmoseptine na very very light lang mommy kasi super sensitive pa skin ni baby tapos make sure lang na lagi syang tuyo. Mas maganda kung hwag din munang mag diaper kahit 2 days lang, sa baby ko kasi maghapon lang gumaling na. 🤗

Calmoseptine mommy, recommendes po yan ng pedia ko kay baby, nawawala na sya after 2 days sa baby ko, at mommy wag mong lagyan ng petroleum jelly ang pwet ni baby duon ako napagalitan ng doctor mainit daw sa balat ng baby yun...

VIP Member

nagkaganyan din si baby, parang halos lahat ng diaper allergic sya, ang ending pinag lampin nalang namin si baby, dibaleng araw araw naglalaba atleast at ease si baby, hindi na sya palagi naiyak sa hapdi at wala na syang rashes ngaun..

4y ago

try mo ma cloth diapers po

nung ngka rashes baby ko, hndi ko muna nilagyan ng diaper for 2 days para matuyo sya, kasi mahapdi po yan sa ihi, wawa nman si baby 😔 tapos nilalagyan ko petroleum jelly, hndi nman mainit yun kasi. hndi nman nka diaper si baby..