Mga momshie alam niyo po ba kung ano ito? O kaya naman anong maaring lunas para dito?

Mga momshie alam niyo po ba kung ano ito? O kaya naman anong maaring lunas para dito?
37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

baka sa gatas mo yan mamsh.. o di kya sa wipes. iwasan mo pong matuyuan ng gatas mo ang kahit anong katawan ni baby maliban sa pisngi. kasi sa pisngi normal lang namang matuyuan ng gatas pero punasan agad pag natuluan ng gatas. banlawan mo ng tubig ang part ng katawan niya na nadampian o natuyuan ng gatas gamit ang cotton balls. Bili ka din po ng In a Rush ng Tiny Buds. Very effective po para sa rashes

Magbasa pa

hala ganyan din ung baby ko . 2 weeks old hanggang ngaung 1 month nia na meron pa rin lalo sa muka hanggang ulo, minsan meron din sa kamay at tyan nia , nagtanong tanong ako sa ibang mommy sabi normal lang daw kasi nag aadjust pa skin ni baby , matatanggal daw din yan . pero nakakaworry parin pag nakikita ko ganyan ni baby ko 😭

Magbasa pa

mommy pwede ka gumamit ng ibat ibang products para kay baby.. minsan po kasi may batang napaka sensitive ng balat,like my baby..sa ibang brand namumula or pantal, kay panganay ok yung cetaphil, pero di ok sa kanya yung tiny buds unlike naman sa bunso ko mas hiyang sya dun

VIP Member

Nag kagabyan baby ko. Bali nung mga time na yun wala pa syang 1 month lagi po kais namin syang binibilad sa araw. Mga 1 week pag kapanganak na. Tapos po nag search ako if ano yun, heat rush sya. Kaya tinigil ko pag bibilad sakanya tapos ayon nawala na.

Ganyan po baby namin dati, sabi ng pedia sa init raw, kaya po nung nag-aircon kami, dun na sya nawala. Summer po kasi ngayon, kaya madalas silang mainitan.. Observe mo lang po pawis nya and make sure na di sya naiinitan Mommy. 🙂🙂

VIP Member

normal lang po ata yan sya mommy ung baby ko din madming ganyan , kusa naman syang na wala bago mag 1 month , wag mo lang lagyan ng kung ano ano at punsan mo lang ng maligamgam na tubig 2 time a day , yan lang sabi sa akin sa center.

VIP Member

baka hindi hiyang si lo mo sa bath soap niya try mo switch tiny buds rice baby bath it helps relief skin rashes kasi made from real rice grains at all naturals maganda din sa skin malambot at nakakaglow try mo momsh #littleboy

Post reply image

same sila ng baby ko 1month na siya sa 5 marami din ganyan una sa mukha niya ngaun naman sa katawan nia pero sabi ng pedia normal lang daw sa baby dahil sa init ng panahon ngaun. mawawala din daw

meron dn po baby ko nyan , nawala kasi araw araw ko pinaliguan siguro dahil sa init tpos dun po kmi nttlog sa room ng lola nya kasi may aircon kaya tuluyan nawala .. Sa init po yan.

mommy, use cetaphil po and konting pulbo po.. minsan po same same sila bungang araw at milk rash.. dumadami at namumula ng husto pag napawisan lalo.. 😉