βœ•

26 Replies

sis andyan na si baby, ano pa man yung pinagdadaanan mo higit mong unawain at mahalin yung anak mo.. wala naman sya kasalanan ee, kung di ka pa pala ready sana ndi ka nakipagtalik. Isa pa yung mom mo nga tinanggap ka at tanggap baby mo sana ganun ka rin tanggapin mo ng buong buo c baby at mahalin mo sya higit sa sarili mo.. wag mo po sisigawan yung baby kasi dapat mas pinaparamdam mo sknya ung pagmamahal mo bilang isang ina tulad ng pagmamahal sayo ng iyong ina nung bata ka pa. God Bless, magpray ka sis.. baka stress kalang dn

VIP Member

post partum yan sis, gnyan din ako nung una kahit 27 nako ngka.baby ma.fefeel mu talaga yan peru na survive q basta mai support system ka, buti nga anjan mama mu ako nga nung pagka.anak q kami lang dalawa ng hubby q tapos sa umaga work siya kami la g dlawa ng anak ko, nakakabuang talaga, just pray lang bhe kaya mu yan at dpat kayanin para sa baby mu, pgka nangiti na yan c baby mo promise mwawala lahat ng pagod mo. trust me.. God bless bhe..

VIP Member

Mommy need mo iovercome yan post partum depression mo. Every woman na nag gave birth dumadaan talaga sa stage na yan pero need mo labanan for you and your baby I know bakit ka nagkakaganyan syempre ung sakit ng panganganak tas right after need mo magpadede at alaga tas tipong antok kma at matutulog ska gigisimg si baby. Malalagpasan mo din yan lalo if nag 1month na si baby mo.

2mos na siya. 😊 Sakin kasi umayos siya ng sleep na gabi na talaga sya natutulog is nung makalagpas sya ng 1month. Teknik is wag mo na siya patulugin sa hapon tas aabutin ng gabi ako kasi ganun una ginawa ko tas ngaun sya na mismo kusa gumigising if masyado gabi na tas pag matutulog na kmi need ko timplahan dede pampatulog nya since mixed feed kasi ako. Pero mommy need mo yan iovercome since ikaw lang mkkatulong sa sarili mo ako ganyan ako nung first 3weeks ni baby naiiyak pa ko kasi nastress na ko sa kakaiyak niya wla ko tulog tas pagod plus ung sakit ng pagkakapanganak ko pero thats normal need mo labanan andyan ung mama mo natutulungan ka kay baby like mine andto ksi ako samin mas pabor din kami mag asawa andto ako pra natutulungan din ako s pagaalaga ng bata if may lalakarin ung nanay nya ksi di maaasahan e

Ganyan din ako pero di ko siya nasisigawan. Madalas lang akong mainis pero instead sa asawa ko nalang binubuhos galit ko. Kakapanganak ko lang nung oct. 2 at sobrang stress at puyat ako 😭 Pag naiyak si baby para akong nababaliw ang bilis ko marindi pero sobrang mahal ko anak ko. Siguro nasa stage palang ako ng depression pero sana maging ok na ko 😣

Kaya mo yan mommy! Pag nag 1month na siya magbabago naman sleep routine nya di na yan mamumuyat

VIP Member

Ganyan talaga be, 19 ka pa lang din kasi tapos solong anak, kaya yung mindset mo is parang nasanay na pang iyo lang. Lilipas din yan, gawin mong inspiration at motivation ang anak mo and dapat happy ka din kasi happy mama mo. Naexcite siguro yun kasi nadagdagan na kayo. Tulungan mo lang si mama mo mag alaga and wag susuko sa umpisa lang yan

Wag ganun ako mas bata pa naging nanay sayo 17 lng nung nag buntis ako pero never ako naging ganun sa anak ko inalagaan ko xang mabuti at pinaramdam ko sa knya kung gaano ko xa kamahal kahit toyoin ako nun at isip bata ako never ko xang dinamay sa mga problema ko eto na xa ngaun binata na 13 years old n xa ngaun...

Nangyayari talaga yan, you're not a bad mom. You're just tired and not YET ready to handle the responsibilities of being a mom. Ask for help so you can get some sleep. Madalas maka init ulo pag super puyat. Ask other moms for tips para di ka masyado mahirapan mag alaga kay baby. Kaya mo yan.

19 lang din ako sis and only child ☺ minsan naiisip ko din na kaya ko ba maging isang mabuting ina para sa anak ko 😭 how can I take care of my baby if I can not take good care of myself πŸ˜” pero nandyan pa din yung mama ko gumagabay sakin at samin ng bf. Kaya mo yan sis kaya natin to

Mahirap be nakakaiyak :( may time na nagsisisi ako pero mahal ko si baby. Sobrang daming emotions lang talaga hayy

Bata ka pa sis at ganyan talaga nararamdaman ng mommy pag nanganak na may tawag jan e. Pero isipin mo na lang na dapat maging mabuti kang mommy para sa kanya tulad ng mommy mo kahit single mom lang siya napalaki ka niya at minahal ng sobra. :)

Postpartum blues po siguro meant na term nyo not just post partum kasi postpartum alone means after delivery lahat naman ng mommies pag nanganak post partum tawag pero hindi lahat nagkakapostpartum blues or depression

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles