Nabasa ang paa sa ulan
18 days since nanganak ako. Kanina naggrocery ako eh umulan. Nabasa ung paa ko. Nagalit biyenan ko kasi mabibinat daw ako at aakyat ung lamig. Totoo po ba?
mas okey nalang din po na sumunod nalang tayo sa nakakatanda 😊. ako kaai CS ako nung 4days palang ako nabinat nako Dahil sa lamig di ako nakinig sabing magpajama or leggings at medyas ako di ako sumunod, nagshort padin ako at walang medyas grabe yung panginginig at lamig na nararamdaman ko dalawang kumot na at patay na electric fan. nilalamig padin ako, inasikaso ako ng mama ko tapos sub sakin, dipo Biro ang mabinat kasi akala ko wala lang. mas okey po siguro sumunod nalang po tayo 😊
Magbasa paMinsan sa mga pamahiin nila ako parang mababaliw. Hindi dahil sa binat. Andami kasi. Parang lahat ng galaw at kainin my katumbas na pamahiin. Parang gusto ko nalang magstay sa kama kasama si baby na balot na balot..
not true naman yan binat pero wla naman msma kng maniniwla. pero based on my experience mamsh wla namn.. hrap dn kaasi wla naman iba lagi ggwa pr stin kaya kng iisipin ntn yan binat binat e tayo ang kawawa hehe
Ok lang po siguro kasi ako 6days lang si lo ko nun july 31 pinacheck uo ko po sya sabay nid pa lab ung dugo nya no choice kahit naulan nid magpunta sa hospital 😊
Mabibinat dahil sa ulan sis hnd dahil nabasa Ang paa hahaha ako nga pinaligo na Ng doc after a day pagkapanganak eh. Kailangan mabilis Lang
Basta masama tayu maulanan, or maambunan.. pag sumakit ulo mo..baka binat na..😥
Sabi ni biyenan pag nabasa daw ng ulan pag bago panganak, gagalisin sis.
Baha po ba? Baka magkaleptospirosis po kayo. Wag susugod sa baha.
..aq sinusunod ko nlng ano sabi ng mama at byenan q ..
Maglagay nlng cguro ng oil sa paa para mainitan