working while preggy
15 weeks na po ako. Nagwworry lng kasi ako dahil bumabyahe aq everyday. Nkkasama ba sa baby ung naaalog? Tricycle at UV cnasakyan ko pa work, mas maalog pagka nka tricycle. Bali po 15 mins sa tricycle tapos 2 hrs sa UV byahe ko everyday. Sino po dito mga mommies na nagwwork din while pregnant tapos ok naman c baby nung pinanganak.
ganyan din ako nung preggy ako mamsh..hanggang sa nanganak ako, rocky road nga yung samen, tsaka tricycle lang din ako palagi nakasakay..peru normal naman yung baby ko at wala namang problema..peru try to ask your OB mamsh..
Ako din nagcocommute 10 mins tricycle, 30 mins LRT and 10-20 mins jeep/bus/taxi until 20 weeks. Then nagrent na kami ng apartment with my partner na near sa work ko, hassle kasi magbyahe ng rush hour hehe.
Ganyan din po ako noon mommy, ginagawa ko is sinasabi ko sa driver dahan2 sa pagdrive dahil buntis ako, minsan kapag alam ko na ang daan ay rough is tinataas ko pwet ko sa inuupuan
15weeks ako nung preggy ako nag wowork din ako graveyardshift nag babyahe din pero nung nkakaramdam na ng sakit nagpalipat na ko ng umaga. Mas mabuti momshie na safe kayo mag ina.
Depende kasi kapag sensitive ka magbuntis mommy. Ako din lagi non ang commute at pag angkas. Pero mas sure kapag lessen na ang pag biyahe. Bawal masyado mastress ☺️
11 weeks ako pero I had to resign and mag bed rest. Medyo maselan kasi ako and madali duguin. Depende po sayo kung kaya mo pero wag masyado sa naaalog ka like motor.
Me too i stop working kasi byahe ko tricycle at uv din tas akyat pa ng overpass. Lagi nananakit balakang ko salamat naman sa dyos at di ako nag spot nun
Hanggat kaya mo pa momy cge lang 8months ako nung nag leave ako sa work pero kung di kaya at di ka komportable mas maigi mag leave ka ng maaga sa work
Me too 27weeks na pumapasok padin sa work layo ng byahe from cainta to makati paalog alog pa sa fx. Pinagpray ko lng lge na sna kumakapit c baby.
Me until 36weeks pumapasok pa ako kahit 1cm na ko 1-2 hrs max ang biyahe ko from house to work. I was gave birth to a healthy baby boy.
Mother of 1 bouncy girl